*Rashied's POV*Sa lumipas na buwan nag enjoy talaga akong kasama si kesha, kahit papano naging masaya ako sa tabi nya. Lagi man silang nag babangayan ni mira pag nag kikita, di parin sya nag papadala.
Si elise nag taka ako bigla na lang din syang lumayo sakin at pansin ko nagiging close sya kanila karl at jacob, di naman ako nagseselos eh minsan lang,tsh. Joke lang yun syempre.
Ngayon na kami lalaban ng sayaw sa buong pampanga limang schools ang kalaban namin at kasali ang TAU dun.
Si tito na syang principal namin ang nag udyok kay kesha na turuan kami nabanggit ko kasing gusto ko si kesha kaya ayun para na nya akong nilalakad at bale silang dalawa ni khen ang nag tuturo samin.
Syempre inspired ako mag practice nun kasi makikita ko ang babaeng mahal ko hihi...Sorry na lang boys ang sweet ko no? Inggit kayo? Wahaha... Tularan nyo si rashied.
Isang buwan mahigit ko naring nililigawan si kesha alam nila lahat yun syempre I can't keep a secret lalo na kapag ganitong bagay haha excited kaya ako ipag sabi I mean ipag malaki. Si khen dahil alam kong ex nya si kesha tiningnan ko yung reaction nya nung sinabi ko yung about sa panliligaw ko kay kesha pero nagtaka ako na okay lang daw sakanya basta daw wag ko daw sasaktan si kesha dahil lagot daw ako sakanilang lahat bwahaha. Ako? Sasaktan sya? Baka ako saktan nya.
Sa lumipas din na panahon lagi na lang napapahamak si kesha kung hindi may mag tatangkang banggain sya minsan namay tinatakot sya ng di nya kilalang mga numbers sa calls and text kahit papalit palit na sya ng number nalalaman parin nung mga yun.
Alam kong may hinala na sya kung sino yun at tama ako yung kumidnap samin nung nakaraang buwan ang naiisip nyang makakagawa sakanya nun pero pano kaya nila nalalaman ang number ni kesha pasakit sa ulo talaga ang mga yun.
Ewan ko kung bakit nila ginagawa kay kesha yun eh ayaw naman sabihin sakin ni kesha yung tungkol sa dati nyang grupo. Alam ko ng may grupo sya dati pero di nya sinabi sakin lahat, yun lang ang nabanggit nya. Minsan naman bigla na lang syang nahihilo minsan nahihimatay o di kaya dumudugo yung ilong. Buti na lang nangyayari yun kapag kami lang dalawa ayaw nya rin ipasabi saiba lalo na sa magulang nya ang nangyayari sakanya, dahil lang daw sa pagod yun tsaka gutom o kaya init yan yung dahilan nya.
"Rashied? Di ka pa ba pagod? Halos mag iisang buwan at kalahati ka ng nanliligaw sakin ah."sabi nya habang tinatali ang panyo ko sa noo.
Ngumisi lang ako.
"May nakakatawa ba sa sinabi ko?"nagtatakang tanong nya ang cute nya talaga.
"Wala, ang cute mo lang kasi."sabi ko sabay yakap sakanya edi naka points na naman si pogi.
"Nakakailan ka na ah at ano naman ang connect nun sa tanong ko sayo aber?"sabay pamewang nya haaay baby kesha kaw talaga.
Hinawakan ko ang malambot nyang mukha at hinalikan sya sa noo.
"Tandaan mo to di ako mapapagod manligaw sayo okay? willing akong maghintay kahit gano pa ka tagal makuha ko lang yung matamis mong oo."namula naman sya bigla haha kinilig sya.
"Your blushing kesh."sabay hawak nya naman sa mukha nya.
"Baliw ka kasi eh kung anu ano sinasabi mo."sabay palo naman nya sa abs ko. Baby,baby,baby dumadamoves.
"Nadulas sorry."nakakatawa talaga sya.
"Palusot ka pa gusto mo lang hawakan eh, gusto mo bang mag hubad pa ko ng damit para damang dama mo talaga?"nanlaki ang mata nya sa sinabi ko sabay namula haha galing ko talaga mag pakilig thanks too you ate ganda.
BINABASA MO ANG
Till I DIE
Teen FictionAng storyang ito ay gawa lamang ng malikot na imahinasyon ng sumulat. Patungkol ang kwentong ito sa mga nangyari na di dapat, dapat mangyari ngunit di nangyari at pinipilit mangyari pero di nangyari. Di ko kayang wala sya. Pangunahing naririnig pag...