Chapter 10:
*Marco's POV*Lecheng akie yun ako pa inutusan pumunta sa bahay ng impaktang to.
Pwede namang si ate najah lang eh, tsaka bat nag pauto ako sakanya di naman sya boss? Ay lagot sakin yun mamaya.Sana okay lang yung mamahalin kong kotse sa labas magwawala talaga ako pag nakakita ako ng ni-isang gasgas tingnan lang nila wahahaha at sino ang sisisihin ko? Pag nangyari yun? walang iba kundi yung akie na yun. Hihihi peace.
Laki ng bahay nila grabe parang kasing laki ng samin.
Ang ganda din ng chandelier mukhang mamahalin. Meron pang red carpet sa hagdanan, malaking pool sa may garden,malaking terrace at magagara at antigong kagamitan o anong bang tawag dun? Yun ahm,display ba? Decorations?
"Mas malaki bahay ni kesha."biglang tugon ng di ko alam na pipol.
Paglingon ko ay isang curine na nakasando at nakapajama ang sumulpot sa harapan ko.
"Ay!!jusko my innocent eyes."sabay takip ko sa mata ko pero may siwang konte syempre kunwari pabebeng makita pero tol, GRAB THE OPPORTUNITY. Bwahahaha...
"Wow, para namang di kapa nakakita ng ganito, ganyan karin ba pag may pageant tapos dun na banda sa may bikini haha funny unggoy!!!"sigaw nya sakin. Kung maka unggoy kala mo maganda.
"Si baby kesha lang pwedeng tumawag ng ganyan sakin."
"Edi GORILLA!!!"
"Makasigaw ka kala mo nasa kabilang kanto kausap mo!!!"inis na sigaw ko kala mo bingi ako eh sa pogi't macho kong to?
"Kaw kaya nakakainis ka!!!"
"Anak, okay lang ba kayo? Bat nag sisigawan kayo? Is there something wrong ijo?"biglang sulpot ng mommy ni curine.
"Nothing mom namiss ko lang si marco haha."
Matang nanlilisik at ngiting nakakaloko ang iginawad ko kay curine kahit di sya nakatingin. May pagnanasa pala sakin to ah sabi na eh pogi ko talaga.
"I see, so balik na ako sa kusina ah enjoy ijo."sabay kaway ni tita at tumalikod na at ako naman binalik ko naman ang kaninang tingin at smile ko kay curine at napansin na nya yun kaya lilingon na sana sya pero kamalas- malasan pag lingon nya ay sakto namang pag lapit ko dahil lolokohin ko sana sya ng biglang...
"HOY!!!"sigaw nya mismo sa mukha ko.
Septic Tank ba yun o inidoro ?
Grabe hindi ba uso ang tooth brush sakanya?"Ano ba, alam mo namang mag sasalita ako ba't lumalapit ka ng ganyan?!!!"
"Pinag sisihan ko nga eh, peste hininga pa ba yan oh poso-negro?"inis na tanong ko, daneng maganda nga bad breath naman wag na lang uyyy...
"Haha, bobo di ako yun yung durian ni mama yun. Porket ako nag salita ah tapon kita jan eh."palusot pa eh.
"Mga lovers in paris kain na."
"Tsk ma naman, tara na nga dalian mo jan at pupunta pa ako kanila kesha."
"Oo nga kaya nga ako nandito para sunduin ka eh."
"K."
At nakarating na kami sa kusina at biglang bumaho na naman ano bang bibig yan ni curine, nabubulok na ba bagang nya?
"See marco? It's durian oh?"turo nya sa prutas na may malalaking spine,thorn, tinik what so ever pare-pareho lang naman yun haha.
"Ngayon ka lang ba naka kita ng ganyan pogi?"tanong sakin ng mama ni curine.
BINABASA MO ANG
Till I DIE
Novela JuvenilAng storyang ito ay gawa lamang ng malikot na imahinasyon ng sumulat. Patungkol ang kwentong ito sa mga nangyari na di dapat, dapat mangyari ngunit di nangyari at pinipilit mangyari pero di nangyari. Di ko kayang wala sya. Pangunahing naririnig pag...