chapter 19:Graduation day

13 1 0
                                    


*Marco's POV*

Sa lumipas na araw lagi kong nakakasama si kesha at dahil dun nakakapag open na kami sa isat isa ng mga secrets. Gaya ng pagkakaroon ko ng sakit na leukemia at ang mabilis na paglala nito.

Hindi kasi ako pumayag na mag pa chemoteraphy, kasi pag ginawa ko yun malalaman nilang may sakit ako diba? at ayokong mangyari  yun, ayoko kasing kaawaan nila ang pogi na katulad ko.

Si kesha lang at si mama ang nakakaalam ng sakit ko. Si mama alam ko araw araw umiiyak dahil sakin. I hate to see her crying because of me kaya kahit minsan nahihilo ako at sumasama ang pakiramdam ko pinipilit ko paring ipakita sakanyang malakas ako.

Napag kasunduan naming gumawa ng bucket list ni kesha, nakakatawa lang kasi parang handa na kaming mamatay.
Sya ayoko pang mawala, alam kong maraming nag mamahal sakanya kaya dapat di muna sya mawala. Ako marami na kong karanasan kaya okay ng matigok, ikaw ba namang magtagal ng walong taon sa highschool tapos puro babae at bisyo ang inaatupag kaya siguro time ko na talaga kasi iniisip siguro ni papa god na puro pasarap lang ako sa buhay. Swerte ko nga ngayon eh dahil mukhang maabutan ko pa ang graduation bukas. Pero ayokong pumunta wala kasi si baby kesha, at ayoko pang iwan ang school bahala na lang bukas.

Nasa terrace ako ngayon ng kwarto ni kesha at kasama sya. Para kaming tanga kasi ang ginagawa na naman namin ay yung bucket list namin. Bigla syang napatingin sakin at nag smile ginantihan ko na lang din sya ng isang pamatay na ngiti at tumingin ulit sa bucket list ko.

"Marco? Pwede ko bang mabasa yung sinulat mo sa bucket list mo?"tanong nya sakin sabay upo sa tabi ko.

"Bukas na, iiwan ko tong bucket list ko dito at bukas muna basahin okay?"sumimangot sya bigla, masyado namang excited tong babae na to.

"Baka di ko na mabasa kung ipapagbukas mo pa, aalis na kasi kami mamaya ni mama at ni richard pupunta kami ng canada para mag pachemo."

"Ganun ba osige tatapusin ko na to, at dalhin mo to sa pag alis mo, ipangako mo lang sakin kesha na hindi mo to babasahin hanggat hindi ka gumagaling okay?"nagulat sya sa sinabi ko. Para sayo kasi yung nakalagay sa bucket list kesha kaya tama lang na di mo muna to mabasa ngayong may sakit ka pa.

"Kaya mag pagaling ka agad para mabasa muna to agad naiintindihan mo?"

"Tanga ka pala unggoy ka eh, define bucket list? Diba ginagawa yun ng mamatay na? Pero sabagay wala panaman tayong taneng, excited lang talaga tayo mamatay haha. Kaya unggoy, wag ka ng maarte gumaling man ako o hindi babasahin ko parin yan ha okay? pero sige pag bibigyan kita pag uwi namin tsaka ko babasahin yan pero dapat magaling kanarin no?"sana nga kesh, sana nga.

Di na lang ako kumibo, hirap na baka masabi ko pang nag stage 3 na agad ang sakit ko.

*kringggg* kringggg*

Unknown calling......

"Kesh, may tumatawag sayo."

Kinuha nya ang phone nya tsaka nya sinagot.

"Pasalamat ka may sakit ka ngayon, dahil may awa pa kami sayo, hahayaan ka na lang naming mamatay dahil sa sakit mo. Ikamusta mo na lang kami kay god ah? Sayang di mo na makilala ang leader namin nag mamadali ka kasing mamahinga eh osya paalam R.I.P na lang KESHA DENISE..."

"Sino yun? sila na naman ba?"tanong ko.

"Nagtanong kapa kita mo naman diba di nga ako nakapag salita tsaka alam ko naman kahit di sila mag pakilala sila liam yun. Sana lang talaga maging masaya na sila pag nawala na ako."

"Hindi ka mawawala kakasabi lang diba gagaling tayo?"tsaka na ako nag patuloy sa pag sulat ng bucket list ko. Ayoko ng humaba pa ang topic namin about dun baka maalala na naman nya ang kahayupang ginawa sakanya.

Till I DIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon