Chapter 6:
*Loraine's POV*I don't know what to do, ako muse as in muse? Well, di na ako mag tataka dahil maganda naman talaga ako pero hindi eh, gusto ko maging Pres or Vice bat Muse pa peste talaga.
Para lang sa alam niyo si Kesha ang president, vice naman ay si Jaustine crush ko yun guys wag kayong ano, then sexytary daw yung bruha, si Curine po ang tinutukoy ko then treasurer si Richmond then si Stephanie ang auditor, muse is me while Khen is the escort.
Ano nakakabigla no? Ang pangit ng result, char di naman sa pangit kasi deserve naman ni Kesha and Jaustine ang posisyon pero nasasayangan talaga ako eh bat ganun ginalingan ko naman bat di parin ako ang nasa posisyon ng pres or vice huhuhu nakakaiyak.
Halos mabaliw na ako sa kwarto ko kakadabog di ko matanggap as in hindi!!!!! Never!!!!!!!!
"Nak? Are you okay?"biglang pasok ni mama sa kwarto ko di ba uso sakanya ang salitang knock? Or kaya katok? Haaay parehas lang pala yun gaga talaga.
Umalis ako sa malaswa kong posisyon, dahil kung alam nyo lang nakatuwad po ako nakamudmod sa unan yung fes ko, eh sakto namang pag pasok ni mama eh nakaganun ako kaya ang pangit.
"No, mom naiinis lang kasi ako gusto ko maging President o kahit Vice lang ng klase pero wala eh muse lang ako."malungkot kong tugon kay mama pero wala syang reaksyon di man lang nalungkot for me.
Bigla syang lumapit sa tabi ko at sabay yakap sakin. "Nak,okay lang yun ano ka ba kaysa sa wala ka sa Officer diba? Okay na yun, bawi ka na lang sa next school year basta mag aral ka lang ng mabuti and do what is the best for you and for your dreams okay? Sige na matulog kana maaga pa tayo bukas pupunta tayo sa puntod ng daddy mo."sabay halik sa forehead ko at tumango lang ako bilang tugon sa sinabi nya.
Di ko talaga alam gagawin ko kung wala si mommy. Siguro nga naging OA lang ako, di ko lang talaga kasi matanggap pero dont worry Loraine may next year pa, siguro kulang pa ang naging effort ko, next time I will do my very best na para mapunta sa highest posisyon.
*Kesha's POV*
"Gising na reyna, may sunog!!!"sigaw ng isang tao ba to o hayop ay ewan at bigla akong napatalon sa kama, mula sa pakakahiga ko kaya nauna ang balakang kong malaglag, and its so masakit as in super tang-na yun sino yung sumigaw!!!!!
"Hayop ka talaga Troy wag kang malapit- lapit sakin baka mapatay kita bwisit kang gorilla ka."inis kong sambit habang nahihirapan tumayo mula sa sahig di man lang ako tinulungan mamatay kana tol sana. Walang halong biro peste.
"Hahaha, poging gorilla baby Kesha, halika tulungan kita."at akmang tatayo na sana sya mula sa pagkakaupo sa maliit na sofa sa kwarto ko pero inirapan ko lang sya.
"Tsaka ka tutulong kung kailan nakatayo na ako tsk pumangit ka sana bwisit bahala ka nga jan."at iika-ika akong lumabas sa kwarto ko at iniwan ang monggoloyd dun.
Naramdaman kong sumunod sya sakin pero di ko na sya pinansin baka matulak ko pa sa hagdanan to at makapatay ako ng di-oras.
"Mukha kang may athritis or rayuma sa posture mo."natatawang sabi nya, kapal talaga ng mukha sobra at super as in mega kapal.
"Halika nga baka mainis kapa lalo pumangit pa ang baby damulag ko haha."sabay akbay sakin pero kinurot ko ang kili-kili nya at di ito binitawan hanggang makababa kami sa hagdanan.
"A-aaray k-kesh masakit.... arayyy!!!"sigaw nya. Mukhang tuko amputek.
"Bagay sayo, pagluto mo nga ako tinatamad ako magluto eh tawagin mo na lang ako, nasa tv room lang ako kung tapos na ."sabay punta ko sa tv room.
Binuksan ko agad ang tv at nilipat ang chanel sa 7. Larva on screen, may naalala lang ako favorite kasi namin nila Loraine and Curine to bat kaya hanggang ngayon di sila nagti-txt sakin may problem kaya sila?
* Troy's POV*
Simula umaga hanggang gabi dito lang ako kanila Kesha tumambay. Di kasi pumunta dito yung mga kaibigan nya balak ko sana hanggang tanghali lang kasi I know na darating naman yung mga kaibigan nya at may makakasama na sya pero nag kamali ako, ni isa sakanila walang dumating.
Ramdam kong malungkot si Kesh pero di ko na pinahalatang ramdam ko yun. Base kasi sa kinikilos nya ay parang wala lang sakanyang di sya naalala ng mga kaibigan niya.
Although nasanay syang nagkikita- kita sila tuwing weekends pero di nya talaga pinansin yun. Feeling ko pakitang tao lang yung mga pinapakita nya sakin simula kanina para lang di mahalata ng nakakasalamuha nya na malungkot sya.
Para syang si Tita Salyn na kahit nasasaktan o nalulungkot na ay naka smile parin. Mag ina talaga sila kaya love na love ko tong best fr--.
"Ay palaka, ano ba kesha crush mo ba kili-kili ko? Ligawan mo na dali."pabirong sambit ko. Bigla akong nagising mula sa aking pag mumuni-muni ng biglang kurutin na naman ni kesha ang kili-kili ko. Ano bang trip yan may armpit naman sya ahh.
"Di mo kaya ako pinapakinggan porket Escort ka ah."
"Mas gusto ko maging vice or pres kaysa maging Escort Kesh alam mo yan."
"Di ko alam yun, feeler ka talaga. Matutulog na ako, hmp by the way dadating na pala bukas ng hapon si mommy, samahan mo ko sa airport ah, punta ka ng 2:30 dito. Dito kana mag merienda owki? Osya, take care Troy muawh good night tara na hatid kita sa may gate."sabay abot nya ng kamay nya sakin.
"Sige salamat sa time Kesh mag lock ka ng pinto ah."tinanguan nya lang ako sabay abot ko ng kamay ko sa kamay nya.
I hate this, ayokong mabait sya sakin.
Naiinlove ako eh... joke lang yun mga baliw...
Waaaaaaaa, kesha don't do this please.
"Goodnight Troy."sabay halik sa pisngi ko.
What???
Tsup
Tsup
Tsup
Nag pa echo- echo yan sa tenga ko.
Di ko lubos maisip na gagawin nya yun.
Mga puso ko tumatalon.
OA... friendly kiss lang naman po yun wag kayong ano...
Di ako makaalis sa kinatatayuan ko.
Please gods and goddesses allow me to melt here in my place pakshit kakahiya yung reaction ko nabakla na ba ako?"Hey, are you okay I said goodnight im waiting for your reply."nag pacute pa ang walang hiya. Tama na please.
"Ah,eh."
"Ah,eh,ih,oh,uh pwede ba goodnight lang ang hinihintay ko Troy so?"sabay lagay nya ng dalawang palad nya sa magkabilang side nya.
"G-goodnight hehe."sabay talikod ko sakanya. I act weird yah, I know but, tsh di ko na kaya eh feeling ko namumula na ako.
I hate this talaga bwisit.
Pinaandar ko ng mabilis ang kotse ko at wala pang limang minuto ay narating kuna ang bahay.
Kinausap lang ako sandali ni mommy then after that nag bath lang saglit. Natulog na ako after kong gawin lahat ng mga kailangan kong gawin.
*End of chapter 6*
BINABASA MO ANG
Till I DIE
Novela JuvenilAng storyang ito ay gawa lamang ng malikot na imahinasyon ng sumulat. Patungkol ang kwentong ito sa mga nangyari na di dapat, dapat mangyari ngunit di nangyari at pinipilit mangyari pero di nangyari. Di ko kayang wala sya. Pangunahing naririnig pag...