Normal na tao ang angkan ni Rena, ngunit hindi normal ang nakagawiang pamumuhay ng mga ito. Gusto niyang makalaya sa madilim niyang mundo kaya iniwan niya ang kanyang pamilya sa Japan. Nakipagsapalaran siya sa Pilipinas upang hanapin ang tahimik na buhay. Subalit ang inaakala niyang paraiso ay isa rin palang impiyerno. Sa kamay ng mga masasamang bampira siya napadpad. Nguinit hindi basta stranger ang bampirang dumakip sa kanya, kundi may kinalaman sa nakaraang tinalikuran niya.
Sa kagustuhan niyang tumakas ay sumama siya sa lalaking ispiya umano ng kabilang panig ng mga bampira. Si Erman. Hindi lang iyon ang pagkakataong tinulungan siya nito. Kinupkop siya nito at ng pamilyang kinabibilangan nito, hanggang sa tinubuan siya ng malalim na paghanga niya sa binata. Isang paghangang alam niyang mauuwi sa pagmamahal. A feelings is mutual, at hindi siya nagkakamali sa hinalang gusto din siya nito. Hanggang sa magtapat ito sa kanya. Pinasok nila ang isang relasyon, tumagal at tumibay. Subalit isang liham ang kanyang natanggap, na nagbabadyang sisirain ang kanyang kaligayahan.
Bago mahuli ang lahat, kailangan niyang baguhin ang kanyang pagkatao. Kailangan niyang pakawalan ang kanyang kaligayahan. Upang magawa niya iyon, kailangan niya ng dark reincarnation...kailangan niyang magparaya.