Chapter Nine

8K 335 5
                                    


NAGKAROON ng pagkakataon si Rena na makausap nang personal si Erron. Hindi siya sigurado kung naging malapit ba siya sa mga magulang ni Erman noon. Pero nararamdaman niya na mabuting nilalang ang tatay ni Erman. Dinala siya ni Erron sa malaking kuwarto kung saan nakalatag ang mga eleganteng kabaong ng mga bampira. Sa henerasyon ngayon, na-adapt na ng mga bampira ang lifestyle ng mga tao kaya iilan na lang ang natutulog sa kabaong.

May iilang bampira na natutulog sa nakahilirang kabaong. Hindi ito literal na kabaong na masyadong malalim ang higaan. Lumapit si Rena sa puting kabaong kung saan nakahiga ang tatay ni Alessandro.

"Bakit po dito natutulog si Dr. Clynes?" tanong niya.

"Dito na siya inabutan ng umaga. Si Zyrus ang bampira na hindi kayang isakripisyo ang nakasanayang pamumuhay. Natutulog siya kasama ang pamilya niya sa bahay pero bihira. Hindi siya basta natutulog sa kama. Isa o dalawang beses lang kasi siya nakakatulog sa isang linggo kaya kailangan sa kabaong siya matulog para mas lumakas siya. Isa sa mga kabaong dito ay puwede mong gamitin. Mas komportable tayong mga bampira matulog sa kabaong kumpara sa kama. Kapag hindi ka nakakatulog sa kama, pumunta ka lang dito. Ang mga day walker vampire lang ang hindi natutulog sa kabaong," paliwanag nito.

Naisip na naman niya si Erman. Nalulungkot pa rin siya dahil hindi pa nanunumbalik lahat na alaala niya.

"Galit po sa akin si Erman. Nagkukuwento po ba siya sa inyo tungkol sa akin?" sabi niya.

"Minsan lang. Madalas kaming nagtatalo ni Erman. Mas malapit siya sa mama niya. Malayong-malayo ang ugali ni Erman sa akin. Nakuha niya ang ugali ng lola niya. Inaamin ko, marami akong pagkukulang kay Erman. Hindi kasi ako katulad ng ibang tatay na malambing sa anak. Pero ma ibang ways ako para ipadama sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Hindi kami pinalad ni Natalya na magkaanak ulit. Na-damage kasi ang matres ni Natalya pagkapanganak kay Erman. Actually noong ipnagbubuntis pa lang niya si Erman ay nagkaroon na ng problema dahil sa tangkang pag-alis ng mga masamang bampira sa fetus na nasa sinampupunan ng asawa ko. Mabuti hindi natuloy na malaglag si Erman. Pero nagkaroon ng koplikasyon noong manganak si Natalya dahil active ang dugo ni Erman bilang dark blood vampire. Duting delivery, nag-transform si Erman as vampire at na-damage ng kuko niya ang masisilang organs ni Natalya. Sensitive na ang matres ni Natalya. Hindi na kayang magpalaki ng cells ang bahay-bata. Lumalaki man pero namamatay kaagad. Until we stop doing the process. Masakit para sa akin na hindi mabigyan ang simpleng kahilingan ni Erman. Bata pa lang siya noon ay humihingi na siya ng kapatid. Kaya hindi ko siya masisi kung magtampo siya sa amin. Maraming beses kaming nanlamig sa isa't-isa ng asawa ko. Minsan kasi ay matigas din ang ulo niya. Nagiging paranoid siya. Pero naiintindihan ko. Kahit palagi niya akong sinisisi at inaaway, pinapabayaan ko siya dahil mahal ko siya at hindi ko kayang itapon na lang basta ang pinagsamahan namin. Alang-alang kay Erman, pinakisamahan ko pa rin siya kahit halos ayaw na niya akong makita minsan. Nagrerebelde pa rin siya dahil sa hindi niya ginustong maging bampira. Hanggang ngayon, hinahanp-hanap pa rin niya ang normal na buhay bilang tao."

Kumikirot ang puso ni Rena habang nakikinig sa kuwento ni Erron. May pakiramdam siya na narinig na niya ang kuwentong iyon noon. Kung tutuusin, pareho sila ni Natalya na dating tao. Siguro kung bumalik na lahat na alaala niya ay maghihinayang din siya sa normal na buhay na tinalikuran niya. Pero ginusto niya iyon. Kung mayroon man siyang dapat sisihin, iyon ay ang desisyon niya. Pero base nga sa sinabi ng nakakaalam, tama lang ang ginawa niya para sa kaligtasan niya at sa iba pang maaring mapahamak sakaling nagtagumpay si Rios na makuha siya.

"Pumili ka na ng kabaong mo, Rena. Kapag natulog ka sa kabaong, magkakaroon ka ng buhay na panaginip na may kinalaman sa nakaraan mo. At ang mga pangyayari sa panaginip mo ay maiiwan sa isip mo," sabi ni Erron.

...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon