UMALIS sa kabaong si Rena. Hindi binitawan ni Erman ang kaliwang kamay niya hanggang sa makalabas sila sa kuwartong iyon. Kahit masama ang panaginip niya ay nagising siyang masaya dahil naroon si Erman sa tabi niya at hindi ito galit sa kanya. Dinala siya nito sa kanyang kuwarto.
"Huwag ka nang matulog ulit sa ataol," sabi ng binata pagdating nila.
"Pero hindi ba iyon naman talaga ang tulugan ng mga bampira? Isa pa, nakatulong ang pagtulog ko sa ataol para masilip ko ang future at ilang bahagi ng nakaraan na hindi ko naalala," aniya.
"Hindi ka inborn na bampira at ayaw kong nakikita ka sa tulugang iyon. Parang ipinapahiwatig niyon na patay ka na."
"Iyon naman ang sabi mo 'di ba? Patay na ako sa buhay mo, at iyon ang totoo, Erman."
Matamang tumitig sa kanya ang binata. "Sinabi ko lang 'yon dahil galit ako sa ginawa mo. Pero ang totoo, hindi kita kayang patayin sa puso't-isip ko," seryosong wika nito.
"Galit ka pa rin ba sa akin?" tanong niya.
"Oo, galit pa rin ako dahil makulit ka. Pero concern ko lang iyon. After na mabasa ko ang sulat mo, na-realize ko na may pagkukulang din ako dahil puro kaligayahan lang ang iniintindi ko noong tayo pa. Hindi ko minsan natanong kung ano ang mga bumabagabag sa 'yo. Ang akala ko noon ay sadyang nanlalamig ka lang sa akin kaya ka nagbago. Nabanggit mo sa sulat, sino ang tinutukoy mong estrangherong lalaki na nagsabi sa 'yo tungkol kay Prince Rios?"
Naalala niya ang panaginip niya. "Si Torn, pero tinatawag din siya na 'White Rose'. Sa panaginip ko lang siya nakilala. May kasama siyang dalagita na ang pangalan ay Angelica," sabi niya.
Ang seryosong mukha ni Erman ay nahalinhan ng pagkamangha. "A-anong hitsura ng lalaki?" balisang tanong nito.
"Matangkad siya, maputi, mahaba ang buhok na alon-alon. Palagi siyang may dalang puting rosas."
"Damn! I know him!" bulalas ng binata.
"Kilala mo si Torn?" manghang sabi niya.
"Childhood friend ko siya. Pero maliban sa panaginip, nagkita na ba kayo ng personal?"
"Oo, dalawang beses na, pero palaging nakabalot ng kasuutan ang katawan niya."
"Nagpakita siya sa 'yo."
"Nagpakita? Anong ibig mong sabihin?" takang tanong niya.
"Matagal ko nang kaibigan si White Rose, at wala siyang pormal na pangalan. Si Angelica lang ang nagbibigay sa kanya ng pangalan. Pero isa siyang invisible day walker vampire. Iilang nilalang lang ang nakakakita sa kanya. Kapag walang hangin ay hindi ko rin siya nakikita maliban na lang kung sinadya niyang magpakita sa akin."
Nawindang siya. "Pero bakit ganoon na lang ang concern niya sa akin?" aniya.
"I don't know. I think I need to talk to him. Hindi niya sinabi sa akin ang tungkol kay Prince Rios."
"Binaggit niya sa akin ang pangalang Steven Scott. Nagtatrabaho daw siya sa lalaking 'yon."
"Fuck! He's a liar!" Hindi na mapakali si Erman.
"Bakit, Erman?"
"Ilang beses kong tinanong si Torn kung may alam siya tungkol kay Steven Scott, pero sinabi niyang wala. Hanggang ngayon, blanko ang record namin kay Steven Scott kaya hindi pa rin namin makombinsi ang grupo na basta magtiwala sa lalaking iyon. He's a traitor." Pumalatak na si Erman.
"Pero sinabi ni Torn na kaya siya nandito ay para ma-monitor ang nangayayari sa Sangre Organization. Gusto daw matiyak ni Steven Scott na walang malalakas na kaaway ang sumisira sa organisasyon. I think there' nothing to worried about Steven Scott, He just concern."