Chapter Fifteen

7.4K 298 7
                                    


HABANG pinagmamasdan ni Rena si Erman na natutulog sa tabi niya ay parang pinipiga ang puso niya. Alam niya'ng hirap na hirap na ito. Kahit medyo nasasakal na siya sa paghihigpit nito ay pinilit na lang niya itong intindihin. Tama naman si Erman, may pagkakataon na hindi niya nararamdaman ang kanyang katawan at palagi siyang nakakarinig ng boses ng lalaki. Natatakot siya na baka isang araw ay bigla na lang siya magising na ibang lalaki na ang kasama.

Hindi na niya ginising si Erman dahil alam niya'ng puyat ito. Umaga na kaya kapante siya na wala nang aabala sa kanya. Pinuntahan niya sa laboratory si Alessandro. Hanggang ngayon ay hindi pa niya nakakausap ang mama niya.

"Gising na ba ang mama ko, Sandro?" tanong niya sa binata.

"Oo, pero hindi pa siya lubusang nakaka-recover sa trauma na sinapit niya," anito.

"Payagan mo akong makausap siya."

Tinitigan muna siya ni Alessandro. Pagkuwa'y nakumbinsi rin ito. Pero bago siya nito pinapasok sa kuwarto ay may ginawa pang retwal si Alessandro sa loob. Makkatulong daw iyon para maging blanko ang impormasyon na masasagap ni Rios sa kinaroroonan nila. Makikita siya nito pero hindi nito malalaman kung saang lugar sila.

Makalipas ang halos dalawang minuto ay pinapasok na siya ng binata. Nakaupo lang sa kama ang mama niya. Tulala ito. Lumabas din kaagad si Alessandro. Umupo siya sa gilid ng kama sa gawing kaliwa ng mama niya. Ginagap niya ang kaliwang kamay nito. Tumitig ito sa kanyang mukha. Matagal at mataman.

Mamaya'y umangat ang kanang kamay ng ginang at hinaplos ang pisngi niya. Hindi niya napigil ang luhang dumaloy mula sa mga mata niya.

"R-Rena... anak?" bigkas nito.

Humagulgol siya nang marinig ang kanyang pangalan mula sa bibig ng kanyang ina. Akala niya'y hindi siya nito makikilala.

"Opo, mama, ako ito," sabi niya.

Nangilid ang maninipis na luha sa magkabilang pisngi ng ginang. "Kumusta ka na?" tanong nito.

"Okay lang po ako. Ma, sorry po. Kung hindi ako naglayas, hindi sana kayo napahamak," aniya.

"Tama lang ang ginawa mo, anak. Matagal ko nang balak ilayo ka pero hindi ako nagkaroon ng pagkakataon. Salbahe ang papa mo."

"Pero totoo po bang hindi ko totoong ama si Papa?"

Namilog ang mga mata ng ginang. Pinisil nito ang kamay niya. "Saan mo narinig 'yan, anak?" tanong nito.

"May nagsabi lang sa akin. Totoo po ba 'yon?"

Tumango ang ginang. "Oo. Sa kagustuhan kong magka-anak ay lihim akong nakipagrelasyon sa isang bodyguard ng papa mo. Noong nalaman ng papa mo na buntis ako, inusig niya ako hanggang sa umamin ako kung sino ang tatay mo. Pinatay niya ang tatay mo, at sana'y pati ikaw na sa sinampupunan ko ay gusto niyang patayin pero biglang nagbago ang isip niya. Walang kakayahang makapagbuntis ang papa mo at iyon ang isa sa naging dahilan kung bakit hindi naging maganda ang pagsasama namin. Noong magdalaga ka, nalaman ko na nakipagsundi siya sa isang bampira at nakatakda kang ipakasal roon kapalit ang maraming oportunidad. Palagi ko na siyang sinisita at pinipigilan kaya madalas ay nasasaktan niya ako. Wala akong nagawa dahil kung patuloy ko siyang kokontrahin ay papatayin niya ako. Kaya noong umalis ka, laking pasalamat ko dahil hindi na ako mahihirapan. Nakarating sa amin ang balita na patay ka na, anak. Totoo ba 'yon?"

Hindi kaagad nakakibo si Rena. Maraming ideya ang pumapasok sa isip niya. Pero hindi siya nag-aalangan na sabihin ang totoo sa mama niya.

"Totoo 'yon, 'Ma. Pero walang sadyang pumatay sa akin. Ginusto kong maging bampira para kahit mamatay ako ay maari akong mabuhay muli. Iyon kasi ang payo sa akin ng isang kaibigan para mapigil ang maitim na balak ng bampirang mapapangasawa ko," bunyag niya.

...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon