HINDI pa nagigising ang mama ni Rena nang puntahan ito ni Erman sa laboratory. Pagkatapos ng maikling oras na pagpupulong ay nagpapasalamat si Erman dahil pinakinggang ng mga opisyales ang hinaing niya. Naroon ang daddy niya at sumuporta sa kanya.
Ang tanging naging suhesyon ni Dario ay huwag munang hayaang makita ng mama ni Rena ang lugar kung nasaan ito dahil siguradong makikita din ni Rios kung sino-sino ang nasa paligid ng ginang. Nilagyan nila ni Alessandro ng piring ang mga mata ng ginang.
"Paano natin matatanggal sa vision ng mama ni Rena ang monator ni Rios?" tanong niya kay Alessandro.
"We don't have choice. Hawak ni Rios ang kontrol dahil sa hipnotismo na ginawa niya. Anumang sandali ay maaari niyang utusan ang biktima. Ang kailangan lang nating gawin ay ikulong sa madilim na kuwarto ang mama ni Rena," sabi nito.
"Hindi ba torture ang gagawin natin sa kanya?"
"Or gugustuhin mong matumbok ni Rios si Rena."
"It's nonsense now. I think alam na rin ni Rios na narito ang mama ni Rena dahil sa mga ibong pinadala niya."
"Or maybe he knows that Rena is here."
Tumitig siya kay Alessandro. Naisip din niya na maaring tama si Sandro.
"The bird has strong and wide vision. Kontrolado sila ni Rios. Kung may na-encounter na isa sa mga ibon ni Rios si Rena, then, it over. Malamang gumagawa na ng hakbang si Rios kung paano sumugod rito," sabi ni Alessandro.
Inalipin ng kaba si Erman. "Hindi siya basta makakapasok sa academy," confident na sabi niya.
"We can't say that. Rios has a deep connections to the demons. He can use those opportunity to win. Ang ikinakatakot ko lang ay kung bigla siyang maghamon ng giyera. Hindi natin gugustuhing mangyari 'yon. Ang higit na maaapektuhan dito ay ang relasyon ninyo sa sarili ninyong lahi. At hindi puwedeng hindi makialam sa digmaan ang ibang organisasyon dahil maaapektuhan sila," paliwanag ni Alessandro.
Naiinis na siya. Ano na lang ang gagawin niya? "Wala na bang ibang option? I can't marry Rena right away," aniya.
"I have a the best option," ani Alessandro.
"What was it?" atat na tanong niya.
"Face your enemy."
Napamata siya. "Are you insane?" Sininghalan niya si Alessandro.
"Of course I'm not insane. Gano'n ang matapang na lalaki, Erman. Huwag kang kumapit sa makapangyarihang nilalang."
"What if I die? How can I protect Rena?"
"Hindi ako naniniwala na mamamatay ka. Day walker ka, immortal si Rios. Kakampi mo ang araw. Bakit ka natatakot?" anito.
"Hindi ako natatakot! Ayaw ko lang ng marahas na kompitisyon!" asik niya.
"Kung susundin mo ang proseso, marami kang sasayanging oras at pagkakataon. Under age ka, unqualified, you can't marry a woman you love. You must be wise and wild. Kung aasa ka lang sa proteksiyon ng iba, mas malaki ang posibilidad na talo ka."
"Hindi kita maintindihan, Sandro."
Tinapik ni Alessandro ang kanang braso niya. "The enemy was there. All you need to do was face him. Huwag mong hinatayin na ang kalaban ang makatumbok sa 'yo, kung kailan hindi ka handa. Mag-isip ka na ng plan B at Plan C if possible. In your case, baka aabot ka sa plan D. Not good to hear, Man."
Nagngitngit ang ngipin niya. Nakuha na niya ang ibig sabihin ni Alessandro.
Sa ngayon ay hinayaan lang nilang nakakulong sa kuwarto sa laboratory ang mama ni Rena. Kapag may papasok doon ay nakatago ang mukha. Ideya iyon ni Alessandro, para manatiling blanko ang vision ni Rios. Pero pinaghandaan na rin nila ang posibilidad na maaring natumbok na rin sila ni Rios dahil sa mga naglipanang ibon nito.