Chapter Four

8.5K 351 9
                                    


ISANG linggo na ang lumipas pero wala pa ring improvement ang pagbabalik ng alaala ni Rena. Nakabase lang siya sa kuwento ng mga kasama niya sa academy. Tao siya dati, at kaya siya naging bampira ay dahil iyon ang gusto niya. Pero ang hindi matanggap ng sistema niya ay ang sinabi ni Alessandro na dumaan siya sa dark reincarnation, kung saan ay namatay siya at pagkalipas ng mahigit isang linggo ay muli siyang nabuhay ngunit sa panibagong nilalang.

Wala pa rin talaga siyang naaalala mabuti tungkol sa nagdaang pangyayari bago siya namatay. May ilang nakaraan siyang naaalala ngunit noong panahon na kasama niya ang kanyang mga magulang.

Kailangan niya ng maraming damit. Paano ba niya makukuha ang mga damit niya kay Erman? Hindi siya pinapansin ng lalaki. Patungo sana siya sa kuwarto ni Erman pero napako ang mga paa niya sa gitna nang pasilyo nang mamataan niya si Erman na lumabas sa kuwarto nito kasama si Janet. Mukhang masaya naman ang lalaki. Si Janet ba ang bago nitong girlfriend?

Dumiretso na lamang siya sa food center. Tahimik na roon. May nag-iisang babae na nakaupo sa tapat ng round table. Nagbabasa ito ng aklat. Bumaling ang tingin nito sa kanya. Nginitian siya nito.

"Halika, Rena, maupo ka rito," tawag nito sa kanya.

Lumapit naman siya rito at umupo sa katapat nitong silya. Inilapag nito sa mesa ang aklat. "Ako nga pala si Natalya, ang mommy ni Erman," pakilala nito.

Bigla siyang nakadama ng hiya rito. Kung may atraso siya kay Erman, baka galit din sa kanya ang mommy nito. Nginitian lang niya ito.

"Don't worry, hindi tayo magkagalit. Alam ko nag-a-adjust ka pa lang. Katulad mo, dati rin akong tao bago naging bampira. Matagal din bago tuluyang bumalik ang alaala ko. Nakalimutan ko rin ang mahal ko sa buhay. Hindi madali ang pinagdadaanan mo. Pero sa kaso mo, siguro mas gugustuhin mong wala ka nang maalala. Nakapag-usap na tayo before, Rena. Tungkol iyon sa mga dahilan mo kung bakit gusto mong maging imortal," kuwento nito.

"Ano pong dahilan?" curious niyang tanong.

"Gusto mong mabura ka sa mundong hindi ka naging malaya. May binaggit ka sa akin tungkol sa papa mo, pero hindi naging maayos ang pagkakakuwento mo kaya hindi ko masyadong naintindihan. Alam kong mahal mo ang anak ko. Hindi rin kita masisi kung mas pinili mong iwan siya."

Nalungkot siya sa mga sinabi nito. Pakiramdam niya'y napakasama niyang babae.

"Galit po ba sa akin si Erman?" tanong niya.

"Siguro, pero kilala ko ang anak ko. Hindi siya basta naghinanakit sa mga mahal niya. Minsan lang talaga, narerebelde siya. May mga anak talagag ganun."

"Sorry po."

Hinawakan nito ang kanang braso niya. "Huwag kang mag-sorry, Rena. Hindi kita sinisisi kung nasaktan man ang anak ko. Malaki na siya. Kaya na niyang I-handle ang feelings niya."

"Salamat po."

"Siya nga pala, marami kang gamit sa kuwarto ni Erman sa bahay. Gusto mo bang kunin?" mamaya'y sabi nito.

"Opo! Puwede po ba?"

"Oo naman. Sumama ka na lang sa akin mamaya."

Akala niya kanina masungit si Miss. Natalya. Kinagabihan ay sumama siya kay Natalya sa bahay ng mga ito. Magaan ang loob niya rito.

Gusto niya ang aura ng bahay dahil sobrang tahimik. Naghanda pa ng meryenda si Natalya.

"Nasa second floor ang kuwarto ni Erman. Makikita mo kaagad ang kuwarto niya dahil nakaukit sa pinto ang pangalan niya," sabi ni Natalya.

"Puwede po ba akong pumasok doon kahit wala si Erman?"

"Oo naman. Hindi nagla-lock ng pinto si Erman, kaya puwede kang pumasok. Magmeryenda ka muna."

...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon