Chapter Eight

7.7K 323 5
                                    


HINAYAAN ni Rena na pumatak ang kanyang luha. Nasaktan siya sa pag-ignora sa kanya ni Erman. Nalulungkot lalo siya dahil hirap pa rin siyang maalala ang ibang pangyayari, lalo na ang panahon kung paano nasira ang relasyon nila ni Erman. Pero ang emosyon niya ay nanumbalik. Kailangan lang na magkasundo ang puso't isip niya.

Pagpasok ni Rena sa kanyang kuwarto ay nagulat siya nang madatnan ang itim na malaking ibon na dumadapo sa pasamano. Bigla itong lumipad palabas ng bintana. Dahil sa ibon, isang pangyayari ang mabilis na sumariwa sa isip niya.

NABITAWAN ni Rena ang hawak na libro nang may itim na ibong tumawid sa harapan niya. Pagtingin niya sa naiwang balahibo ng ibon ay may kulay pulang laso na nakatali. May nakarolyong maliit na papel sa dulo ng laso.

Dinampot niya ang balahibo at inalis ang laso. Binuksan niya ang nakarolyong papel.

"I finally found you. Someone wants to kill you. They're searching your aura. Once they found you, they will kill you or someone important to you. They are dangerous than the family of vampires where you belong now. I suggests you to stay away from someone who you don't want to die. Or must better you kill yourself. In that way, you may escape the enemies treat to you. They are almost near from you." Sabi sa sulat.

Naalala niya bigla ang sinabi sa kanya ng mesteryosong lalaki na nakita niya sa bayan ng Mactan kahapon. Ganoon din ang sinabi nito.

"Sino ka?" tanong ni Rena sa lalaking humarang sa daraanan niya.

Balot na balot ng itim na kasuutan ang lalaki. Mata lang nito ang nakikita niya. "Hindi importante kung sino ako. Hindi ako tauhan ni Ruki, pero kilala ko siya. Nais ko lang iparating sa iyo na nanganganib ang buhay mo at ang mga nilalang na malapit sa 'yo. Dahil sa impluwensiya ng tatay mo, marami na ang naging aware sa mga ginagawa niya. Nasasagasaan rito ang pananahimik ng mga ancient sa templo ng mga bampira sa Russia. In order to prevent the dark plan of your father, they think that you are the one who can stop your father's plan. But it's too late. The ancient group of security was advice to kill the peoples related to your father. Pero ang masaklap, ikaw ang napagdiskitahan nila. Naniniwala sila na katawan mo ang solusyon. Maraming inosenteng bampira ang madadawid sa hidwaan ng magkabilang grupo. Matagal nang natuldukan ang giyera sa pagitan ng mga bampira at ng mga dangerous leader ng mga mafia group. Sadly, those mafia group has connections to the dark blood vampire na gustong sakupin ang iba't-ibang templo ng mga bampira sa mundo. Nag-join force sila. And one of those leader was your father. At nadiskubre ng mga dark blood vampire na ikaw ang batang inihalad noon sa prinsepe ng mga dark blood vampire. And the ritual process was not yet done dahil nagprotesta noon ang nanay mo. The solution to stop the on-going process was to kill your mortal body," mahabang paliwanag ng estrangherong lalaki.

"Anong halad ang sinasabi mo?"

"Hinilng ng prinsepe ng dark blood vampire na maging asawa ka, at sa kagustuhan ng papa mo na makakuha ng mas mataas na puwesto sa organisasyon nila at sa ngalan ng kapangyarihan ay pumayag siya. Nakatakda ka sanang maikasal sa prinsepe sa pagsapit ng edad mo sa biyente-singko, pero bigla kang naglayas."

Inalipin ng takot ang puso niya. "A-ano ba ang gagawin ko?"

"Hindi mo maiiwasan ang nakatadhana sa 'yo unless kung mamatay ka. Susundan at susundan ka ng mga tauhan ni Prinsepe Rios, dahil nakipag-deal na sa kanya ang tatay mo. Ang layunin ni Prinsepe Rios sa pagpapakasal sa 'yo ay ang maangkin ang mortal mong katawan at mabibigyan mo siya ng isang anak. Pero pagkatapos na makuha niya ang gusto sa 'yo, kukunin niya ang buhay mo bilang halad sa kanyang panginoon at mabibigyan siya ng kapangyarihan na walang kamatayan. Kapag nagkataon, si Rios ang kaun-unahang bampira na hindi namamatay ng kahit sikat na araw o anumang retwal at kapangyarihan ng dilim. Isa si Rios sa kumakalaban sa mga organisasyon ng mga bampira sa mundo, partikular na sa temple of ancients. Isa ako sa masugid na tagapangasiwa ng templo sa Russia. Kaya gusto kong makatulong para sa kapayapaan. Pero hindi kita kayang patayin, unless kung papayag kang gawin ko sa 'yo ang dark reincarnation."

...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon