KINIKILABUTAN pa rin si Rena habang pinapanood ang kanyang ama na pinapalapa sa isang gutom na bampira ang bagong hire na driver nila. Bakit ganoon ang tatay niya? Wala itong awa. Kahit siya na sarili nitong anak ay natatakot na makipag-usap rito. She knows that her father was a famous Japanese Mafia leader, and he was a pure blooded Yakusa. Pero hindi iyon ang kinakatakutan ng mga tao, kundi ang palad nitong may mantsa ng iba't-ibang uri ng dugo.
Umiiyak siya sa sulok ng kanyang kuwarto habang nakaluklok sa sahig at yakap ang mga tuhod. Matagal na niyang kinukulit ang nanay niya na umuwi na sila sa Pilipinas pero natatakot itong iwan ang tatay niya, baka ito ang mapatay. Purong pinay ang nanay niya, at dating katiwala ng tatay niya. Nag-iisang anak lang siya pero hindi niya nakamit ang atensiyong nais niya sa isang ama. Palagi itong galit at nakasigaw sa tuwing kasama niya. Wala siyang boses sa pamamahay na iyon. Wala siyang kalayaan. Sa tuwing lumalabas siya ay may nakabuntot na mga bodyguard. Wala siyang mga kaibigan. Nakapagtapos na siya ng college pero hindi siya nagging maligaya sa buhay niya. Pakiramdam niya'y napakadilim ng buhay niya.
Kinabukasan ay bumisita ang lola ni Rena sa bahay nila. Marami itong pasalubong sa kanya, mga magagarang damit, alahas, at kung anu-ano pa. Pero hindi ang mga materyal na bagay ang magpapasaya sa kanya. Gusto niya ng kalayaan.
Atat na siyang makalaya. Nang magkaroon siya ng pagkakataon na makalabas ng bahay nila kasama ang lola niya ay sinamantala niya ang pagkakataon. Pumayag ang papa niya na matulog sa bahay ng lola niya. Iilang damit lang ang dinala niya, kasama ang mga papeles niya, passport at pera. May tourist visa siya kaya kampanti siya na Malaya siyang makakaalis ng bansa.
Habang abala ang lola niya ay nagpa-book na siya ng flight to Philippines sa on-line. Urgent flight ang pinili niya kahit, mahal. Sapat lang pamasahe ang perang naipon niya. Bahala na si Batman pagdating niya sa Pilipinas.
"Sayunara, Japan!" wika ni Rena, nang matagumpay na makasakay siya sa eroplano.
Nag-uunahan sa pagpatak ang luha niya habang sumasahimpapawid ang sinasakyan. Mabigat man sa kalooban ngunit iyon lang ang paraang alam niya upang makalaya sa madilim niyang buhay. Malaki na siya, kaya na niyang tumayo sa sarili niyang mga paa. Hindi siya babalik sa Japan hanggat hindi nagbabago ang tatay niya.
Ten years ago noong huli silang nagbakasyon ng nanay niya sa Pilipinas. Ang dami na nang nagbago. Lalong gumanda ang lugar. Ngunit parang may mali? Pakiramdam niya'y ibang mundo ang kinaroroonan niya.
"Ito ba ang Pilipinas ngayon? Where's the traffic?" nagtatakang sabi niya habang lulan siya ng taxi.
Naninibago siya. Noon kasi ay inaabot ng isa o dalawang oras ang biyahe ng taxi mula airport hanggang Pasay LRT. Maraming gusali ang sarado na. Sarado na rin ang mall na madalas niyang pasyalan noon. Kung noon, siksikan sa kalye ang ga tao, ngayon ay nabibilang na lang.
"Mama, ano po ang nangyari dito sa lugar? Bakit parang dead city na?" hindi natimping tanong niya sa driver.
Tiningnan siya nito buhat sa rare view mirror. Napamata siya. Ngayon lang niya napansin ang hitsura ng lalaki. Maputla ito, maitim ang paligid ng mga mata. Kumislap ang namumulang eyeballs nito.
"You are..." manghang bigkas niya.
Biglang huminto ang sasakyan sa tapat ng abandunadong gusali. Sinubukan niyang buksan ang pinto ngunit naka-lock.
"Let me out!" asik niya.
Nagulat siya nang biglang dumukwang sa kanya ang lalaki. Ngumisi ito. At dahil sa pagngisi nito ay nakita niya ang matutulis nitong ngipin.
"This is Philippines, my dear! Welcome home!"
Bigla siya nitong sinakmal sa kanang balikat. Nanilim ang paligid niya hindi dahil sa kagat nito kundi dahil sa lakas ng pag-alog ng sasakyan.