SINUNTOK ni Erman ang flower vase na nasa kanyang harapan. Tumilapon ito at nawasak. Wala na talaga siyang silbi kay Rena. Itinuloy ng dalaga ang kagustuhang maging imortal. Nanggigil siya. Sumugod siya sa academy kung saan isinagawa ang dark reincarnation kay Rena. Nang malaman niya na si Dario ang gumawa niyon ay wala siyang nagawa. Hindi umubra ang paghihimutok niya.
She's gone, dismayadong sabi ng isip niya.
Lumuklok siya sa sulok ng pinto sa labas ng laboratory one. Hindi niya napigil ang kanyang mga luha habang yakap ang mga tuhod. Ang dami niyang sinayang na effort at panahon para sa babaeng walang kuwenta. Galit nag alit siya.
Mamaya'y bumukas ang pinto. Hindi siya kumibo kahit kamuntik nang matapakan ng sinomang lumabas ang paa niya. Naramdaman niya ang presensiya ng kanyang ama. Hinawakan nito ang kanang braso niya saka siya inakay patayo. Pinihit siya nito paharap rito ngunit nanatili siyang nakayuko at umiiyak.
"I'm sorry, son. Sinubukan kong tulungan ka," anito.
Ikinuyom niya ang kanyang mga kamay. Naiinis siya. Galit siya sa lahat. Itinulak niya ang kanyang ama. "No, dad, hindi mo ako tinutulungan! Ever since alam kong ayaw m okay Rena! Sige nga, ipaliwanag mo ngayon sa akin kung ano ba ang ayaw mo sa kanya?" asik niya.
"Because she won't give you a better future!"
"How dare you say that, dad!"
"Alam kong darating ang pagkakataong ito na magbabago siya! I was aware about Monsito Takuta, his father! He's not an ordinary Mafia Lord. He is dangerous. He was connected to the Lord of Ancient!"
"I don't care about that, dad! Ang ipinaglalaban ko dito ay si Rena!"
"Then, you are wasting your time, Erman. She not a woman I desire for you to love. Alam ng mommy mo 'yon."
"Ibig sabihin, pakitang-tao lang ang pakikipaglapit ni mommy kay Rena? Anong klase kayong magulang, ha? Bakit hindi ninyo kayang suportahan ang kaligayahan ng anak n'yo?! Nag-iisa lang ako, dad. Ni ayaw n'yo akong bigyan ng kapatid!" panunumbat niya.
Nagulat siya ng bigla siyang kasalin ni Erron. "Don't you dare, son! Lahat na ginagawa namin ng mommy mo ay pinaplano namin. Para ito sa ikabubuti mo!" nanggagalaiting sabi nito.
"Erron!" tinig ng kanyang ina, na bigla na lang sumulpot sa likuran nila.
Binitawan siya ng ama. Napaubo siya. Nang malapit na sa kanila si Natalya ay iniwan niya ang mga ito. Ayaw muna niyang makipag-usap sa kanyang mga magulang. Nagtungo siya sa paborito niyang lugar, ang underground. Doon siya tumatambay sa tuwing masama ang loob niya.
Madilim sa lugar na iyon. Pero lumiliwanag sa tuwing binubuksan niya ang six senses niya. Biglang umihip ang malakas na hangin sa paligid niya. Pamilyar sa kanya ang presensiyang papalapit sa kanya. Narito ang nilalang na bihira nagpaparamdam sa kanya.
"Bakit nandito ka? Dahil baa lam mong hindi ako okay?" tanong niya nang maramdaman niya ang paglapit ng pamilyar na presensiya sa tabi niya.
"Alam kong kailangan mo ako. Ayaw kong nakikita kang nasasaktan," sagot nito.
"Kaya kong itago ang nararamdaman ko. Iwan mo na ako. Mas kailangan ka niya," aniya.
Naramdaman niya ang paghagod nito sa likod niya. "Ang sugat, habang itinatago ay lalong kumikirot. Gamutin mo 'yan. Naniniwala ako na walang sugat na hindi gumagaling," sabi nito.
Ikinuyom niya ang kanyang mga kamay. "Alam ko. Pero may sugat na hilaw ang pagkakahilom. May pagkakataon na kumikirot pa rin ito."
"Hindi mo kailangang mag-alaga ng hinanakit sa puso mo. Lilipas din ang sakit na 'yan."