Chapitre 12

1.2K 14 1
                                    


| FRENCH KISSES |

Alecia

I've been teaching here in this institution for years. I know the faces of a lot of college students, I recognize the other staffs of the school well. Even the college students already know me, though I only know them by face.

Students always greet me. Kahit hindi ko talaga kilala ang iba ay binabati ko rin sila. Ayaw ko naman maging snob. Kahit sa mga ibang mga lalaking estudyante na alam kong may something na kalokohan sa akin. Well, hindi naman siya kalokohan na to the point ay gawing silang masama sa akin, 'yung parang highschool students lang na ang bibo at maporma sa pagsasalita in a good way.

Sanay na ako sa mga naging estudyante kong lalaki dito. Alam ko naman na walang seryosohan sa mga ginagawa nila. They still respect me though.

But this kid?

Napapamura nalang ako ng bullshit sa talas ng bibig nito. He doesn't know the word respect. He doesn't know the words limits and boundaries. He doesn't know the word rules and laws. He only does know the word free and choice.

He already kissed my lips three times! Three times, I repeat! That's already an offense!

I looked away from him. He was just meter away infront of me, sitting handsomely, fingers tapping on the side of the chair while eyeing me.

Ang chill niya lang!

Hindi man lang siya nahiya sa mga ginagawa niya dito in public! Walang modo talaga. Sino bang mga magulang nito?

Ako ba ang may poblema o ganito lang talaga ang mga tao sa France?

Teka nga lang, bakit pa ba ako nandito? Oo, pinaalis ko siya kanina pa pero maaasahan ko ba itong taong to? Hindi to marunong makinig.

Grabbing my bag, I quickly stood up, leaving me food on the behind. Nawalan na ako ng gana kumain.

"Wait, where are you going?" Calvin stood up as well and grabbed my arm. Mabilis ko naman 'yong hinili pabalik sa akin dahil dumadami na ang taong pumapasok sa cafeteria.

"I still have classes, Mr. Beaufort."

Kahit wala naman. I mean, meron talaga pero mamayang 1PM pa. Gusto ko lang talaga makalayo sa Calvin na 'yon!

Pumunta ako sa office namin at halos lahat ng co-profs ko ay binati ako at kinamusta. Nagtext ako kay Tish na maghahalf-day ako because of dysmenorrhea. Kahit hindi ko pa naman time of the month ngayon.

Ayaw ko naman sabihin ang totoong rason kung ba't ako naghalf-day. Ano ako, kalog? Kasalanan kasi 'to ni Pierce eh. We did it twice in the morning before we left.

Pumunta ako sa desk ko at napansing may bouquet of yellow roses na nakahiga doon. Sino naman kaya ang naglagay nito? Imposibleng si Pierce dahil alam niya ang paborito kong bulaklak.

Kinuha ko ito at napansing may letter na nakadikit.

Heard you're sick. Here's a bouquet for you and a variety of sushi to make you feel better. Miss you. Hang out soon!

~Sean

Napanganga ako saglit saka ngumiti. Ang tagal ko na pala hindi nakakausap si Sean. He was my first close friend when I entered this school. Actually, we were classmates back then during college days pero hindi pa kami close that time. Kilala rin siya ni Pierce. Si Sean kasi ang maaasahan ni Pierce dito sa school dahil wala siya. Alam ni Pierce ang closeness namin ni Sean at maaasahan talaga siya. Though at first, ayaw ni Pierce na sumasama ako sa kanya o sa ibang lalaki but we already settled it. Pierce gave his trust to Sean.

French KissesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon