/ FRENCH KISSES /Alecia
Bumalik ako sa aking room pagkatapos. Sa lahat ng mga teachers at profs na kasama ko, ako lang ang may iisang room. Si Pierce kasi ang nagcheck-in para sa akin at ang ibang profs ay libre na galing sa school. Ang mga estudyante naman ay sa SPU High School sila magpapalipas ng mga araw.
Tinawagan ako nila Jose kung gusto ko ba raw sumama sa kanila mamasyal rito sa Davao but I declined. Gusto ko munang magpahinga bago magsimula ang laro ng mga bata mamayang hapon.
It's still 9:30 in the morning. Mahaba pa ang oras ko. Pumunta ako sa gym ng hotel at doon magpalipas ng isang oras. Suot ang isang sports bra, jeggings at nike sports shoes ay pumunta ako sa 6th floor ng hotel. Napansin kong wala masyadong katao-tao ron. May napansin akong pigura ng isang taong naka-black wife beater, black shorts at katulad ko ring naka-nike. Likod palang kilala ko ng sino ito.
"Sean."
Agad siyang lumingon sa akin mula sa pagsusuntok niya sa punching bag. Pawisan ang noo niya pati na rin ang kanyang maskuladong braso. Gwapo si Sean, matipuno at maskulado, matalino pa at mabait, pero nakakapanghinayang dahil wala pa siyang naipakilala sakin na girlfriend. He's not into men, I know that. Nakita ko na minsan ang pagsulyap niya sa mga magagandang babae pero kailanman ay wala siyang pinatulan.
Alam ko kasi ang mga type niya. He's not looking on the outside, he's into the soul of a woman. Ganon siyang klaseng lalaki.
Naku, kung wala lang ngayon si Pierce sa buhay ko ay magugustuhan ko talaga siya. But I'm blessed to have Pierce in my life. Masaya rin ako na may Sean rin ako na bestfriend sa buhay ko.
"Uhm, hey," Awkward niyang pagkakasabi. Napansin ko ang pagtingin niya sa buong pigura ko at umiwas ng tingin.
"Hi," I said awkwardly as well. This is frustrating. We talk like we're strangers. "can we talk?"
"Hindi ka muna magwork-out?" Aniya habang tumalikod saka kumuha ng towel pamunas sa kanyang pawisang noo. Umiwas ako ng tingin sa mga braso niyang nagflex.
"Sean, please don't try to divert the topic. I'm not letting this go again so I'm grabbing the chance. We need to talk."
He stared at me with eyes full of things that he wanted to say. He was like talking to me with those eyes. Too expressive.
"Alright."
Umalis siya ng gym at sinundan ko naman siya. Umakyat kami patungong 8th floor at sinundan ko pa rin siyang hanggang sa coffee shop ng hotel. Lumabas kami at sinalubong ako ng malakas na simoy ng hangin galing sa garden ng shop. Kitang-kita mula rito ang ibang matataas na buildings.
"What do you want to talk about?" He started as he folded his arms across and looked at the sky.
"You know what I want to talk about, Sean. Please, speak up,"
Hindi siya nagsalita. He was like that for a minute or so. Then I talked again.
"Kung may nagawa man ako na ikinagalit mo, I'm sorry. Kausapin mo ako kung ano ang kasalanan ko, hindi 'yong bigla ka nalang hindi namamansin at iniiwasan ako. Hindi naman kasi ako manghuhula, okay! Sorry lang."
BINABASA MO ANG
French Kisses
General FictionAlecia Alzbeta was a professor in a prestigious university. She was well-known and loved by her students and especially her boyfriend, Pierce, whom she could see her future with. They were happy, so inlove, and wonderfully living the life as it is...