Chapitre 20

1K 9 1
                                    


| FRENCH KISSES |

Calvin

"Jeth Robert!"

Agad siyang napalingon sa gawi namin nang marinig niyang tinawag ang pangalan niya.

"Holy shit!" Mura niya.

Humalakhak kaming tatlo nang makita ang reaksyon ni Jeth. Tangina, para siyang natatakot na ewan at may patingin-tingin pa siya sa paligid dahil maraming naistorbo sa pagsigaw namin.

Nasa library kasi siya tapos nasa labas kami. Sinigaw talaga namin ang pangalan niya makuha ang atensyon ng ibang tao sa library.

Lumabas siya ng library dala ang kanyang bag tapos inakbayan kaming tatlo. "Tangina, ano bang trip niyo ngayon?"

"Birthday mo, gago. Syempre, marami kaming trip ngayon!" Tumawa ulit si Bill.

"Mamaya niyo nalang gawin ang trip niyo sa party!" Aniya.

"Hindi, gusto namin ngayon." Sabi ulit ni Bill. Kulit talaga ng hayop na'to.

"Saan nyo ba ako dadalhin?" Taranta niyang tanong. Imbes na siya ang nakaakbay sa amin, kami na ang nakaakbay sa kanya at halos hilain na namin siya habang naglalakad. "Ah, may surprise kayo no? Luma na 'yang style n'yo mga ugok!"

"Sige ganito," Pumunta si Bill sa harap kaya napahinto rin kami ni Flyn sa pagkaladkad kay Jeth. "'Pag mahula mo ang surprise namin sa'yo, bibigyan ka namin ng isa pang surprise. 'Pag hindi, edi walang extra surprise."

"Ano ba namang kagaguhan 'yan, Bill? Ang corny naman." Reklamo niya.

"Puta, sumabay ka nalang sa trip ng bulldog na 'yan. Siya nagpasimuno n'yan eh." Flyn.

"Surprise?" Jeth rolled his eyes. "Like the usual students do? Cartolina 'tas cake? Ganon ang uso ngayon 'di ba?"

"Ugok ka talaga!" Binatukan ko si Bill. "Sabi ng 'wag ganon ang surprise dahil uso 'yan dito!"

"Puta naman! Eh sa wala na akong maisip!"

"Mas baliw ka pa sa baliw, tangina." Napailing si Flyn sa kabiguan. Sira na tuloy ang plano namin tangina.

"Pero atleast 'diba, maganda ang cake natin!" Habol niya pa.

Pumunta kami ng cafeteria. Wala pa masyadong tao dahil alas-nueve pa lang at usually sa hapon mapupuno ng sobra ang cafeteria. May klase pa kasi ang iba ngayon.

Pinaupo namin si Jeth. "D'yan ka lang." Ani Bill saka tumayo para kunin ang cake na hinandi namin sa birthday boy.

"Excited ka na ba?" Ngumisi ako ng nakakaloko sa kanya.

"Tangina 'yang mga trip niyo, Calvin. May quiz pa ako ng alas-dyes." Sabi niya ng walang halong excitement. Grabe talaga, hindi nalang nakisabay sa trip namin.

"Quiz your ass! Ditch it," Flyn snapped again. "You'll be enjoying this day without schoolworks. We assure you that."

"Happy Birthday, Robert!"

"Fucker!"

Napasindak si Jeth nang makita ang kumikislap na kandila sa likuran niya. Not the usual candle, but we used the firework candle for the cake. And Bill baked an unsual cake for him— a boob cake! Syempre, may boobs at nipples tapos may suot itong pink bra. May nakalagay ring "TITS YOUR BIRTHDAY" sa pinakailalim. Nilagay naman namin 'yung firework candle sa tuktok mismo ng nipples para sabog!

French KissesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon