Chapitre 17

1K 11 0
                                    


| FRENCH KISSES |

Alecia

Kasalukuyan akong nakaupo sa aking swivel chair dito sa office. I wasn't alone. Maingay ang paligid gawa ng pag-uusap at tawanan ng mga ibang teachers and profs dito at tunog ng photocopiers. Lunch time na kasi kaya ganito.

Samantalang ako, tahimik na tinititigan ang desktop ko kung saan naka-display ang mga exam papers ng mga estudyante. I wasn't proofreading nor examining the questions which I was supposed to be doing. But instead, I was just staring at my desktop blankly, the whole time.

Hindi konektado ang laman ng isip ko sa kung anong ginagawa ko.

Actually, I was still in shock about what happened earlier about Calvin. It's the first time I saw him that way. Naging maamo ang mukha niya, hindi lumabas ang nakakatakot niyang ngiti, at tila may gusto siyang sabihin sa akin pero nahihiya siya. Ano kaya 'yon?

He told me that he was gonna tell me something about him. Those words spiced up my curiosity. Nakakapanibago kasi siya kanina and I think he was really serious about it.

Pero bakit ako? Ako ba kasi ako ang tinatawag ng pangangailangan niya? Bullshit. Pero mahuhulog ba ako sa patibong niya? Paano kapag technique niya lang iyon para gawin ulit iyong ginawa niya sa akin? I don't trust him enough and I don't think I'll ever be there for him.

But I will just try my best to listen. He's my student and it's my responsibility to listen to my students as well. Kung kinakailangan ko ng ibang kasama para kausapin si Calvin, gagawin ko. I just don't trust Calvin matapos ng ginawa niya sa akin. If he wants me to listen, I will. But it will be on my terms.

"Hoy!" Nagulat ako sa pagbagsak ng mabigat na bagay sa lamesa ko.

"Sean?" Tawag ko sa kanya. May dala siyang sandwich at milktea. 'Yung iniinom niya yata ang ginamit niya panggising sa aking katinuan.

"Kanina ka pa tulala," Aniya saka humila ng swivel chair sa tabi ng aking inuupuan. "Care to share?"

Napatingin ako sa kanya habang ngumunguya ng egg sandwich niya. "Wala. Napagod lang ako."

"Gusto mo?" Inilahad niya sa akin ang kanyang sandwich. "Alam kong gusto mo. Kagatin mo na."

"May laway mo na 'yan."

Sumimangot ang mukha niya at inikutan ako ng mata. "Sus. Iba na talaga kapag may boyfriend, ano? Dati-rati nga 'nung college days natin, grabe ka makakagat sa egg sandwich ko! Wala ka ring pakealam kahit iisa lang tayo ng straw sa sprite! Ako pa nga 'yung nandidiri eh! Tapos ngayon!"

Hindi ko na mapigilan ang pagtawa ng malakas. Napatingin naman sa amin si Nina at ningitian kami ng mapanuri.

"Kayo ha! Anong tinatawa niyo d'yan?" Malakas na tanong ni Nina. Nasa kabilang table kasi siya at mukhang may ginagawa.

"Tsismosa mo talaga, Nina!" Sabat naman nitong katabi ko.

Nina rolled her eyes at us bago pinapagpatuloy ang ginagawa niya.

Bumuntong-hininga ako. Tumingin muli ako kay Sean saka ako kumapit sa braso niya. "Hay grabe ka. Na-miss kita."

"Ako hindi."

French KissesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon