Chapitre 26

927 11 8
                                    


/ FRENCH KISSES /

Alecia

"Calvin." Tawag ko sa kanya nang makaupo siya ulit sa tabi ko pagkatapos ng kanilang family picture taking.

"Hmm? Yes?"

Nakilala ko na kanina ang pamilya ni Calvin. Ang ganda ng mommy. niyang si Tita Ana, half-filipino pala ito at ang daddy niyang si Tito Édouard ay purong french. At si Gabriella, grabe! Halos mapanganga ako sa sobrang ganda ng sister niya. Tanned ang balat nito at halatang hilig magbalad sa araw. Gold ang buhok, matangas ang ilong at sobrang sopistikada kung tignan. Laking mayaman ang mga hitsura nila.

Pero may napansin akong kakaiba.

"Ba't parang..." I said as I stared at his mom, dad, and Gabriella individually while they danced on the dancefloor.

Lumapit ang mukha ni Calvin sa akin. "What?"

"Nevermind."

"What is it? Tell me."

"Don't mind it, Calvin. Wala lang 'yon."

"Tell me anything you want and I'll answer it. I want to open up to you."

Pagkatapos ng celebration, personal akong bumati sa kanyang lola at lola na ubod ng pagkakulit. Parang teenager parin kung magsalita at ang kulit pa. Kinulit pa si Calvin na bigyan kaming tatlo ng picture para may memory daw kami kasama ang mapapangasawa daw kuno ng apo niya.

"Tara, ihahatid na kita." I checked the time. 9:30 na ng gabi. Maya-maya pa dadating si Pierce.

"Hindi na. Susunduin ako ni Pierce dito."

"Ah, talaga," Nakita ko ang pagyuko niya ng ulo na tila nasaktan siya sa sinabi ko. Oo, alam kong gustong-gusto ako ni Calvin pero mahal na mahal ko si Pierce at ayaw kong mawala siya sa akin kaya ayaw kong bumigay ng kahit anong pag-asa kay Calvin dahil in the first place, wala siyang maaasahan sa akin. Ilang beses ko na siyang tinulak pero matibay pa rin siya kahit alam kong nasasaktan na siya.

"Calvin."

Humarap siya sa akin. Kitang-kita ko pa rin ang mala-abo niyang mga mata at mapupulang labi kahit may kunting kadiliman dulot ng pagpatay-sindi ng mga ilaw. Sumasayaw na ang mga tao sa party pero nanatili kaming nakaupo sa gilid ni Calvin. "Bakit?"

"Find someone better than me."

"What?" Kumunot ang noo niya.

I sighed. "Alam kong nasasaktan ka na dahil sa akin kaya please, Calvin. Sukuan mo na ako dahil ayaw kitang saktan pa. Mahal ko si Pierce at siya lang talaga ang mamahalin ko. I'm sorry."

Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya ng malalim. Alam kong nabibigatan siya sa mga nararamdaman niya ngayon dahil sa akin.

"Alecia, okay lang ako. I'm still fine being like this. Just be with your boyfriend, I'll be your student and you'll be the woman I love from a distance, and let's keep it that way. Wala akong inaasahang kapalit. Just let me love you, Alecia. 'Yan lang ang hinihingi ko sa'yo."

"Pero lagi ka lang masasaktan ng dahil sakin. At hindi lang ikaw ang masasaktan ko, pati na rin ang sarili ko at si Pierce," I said. "Oo, tinatanggap ko na ang nararamdaman mo para sa akin pero kailangan mo ng lumayo sa akin. Being with you brings pain to both of us, Calvin. I feel guilty sa mga pinaggagawa ko."

French KissesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon