Chapter 8

31 2 0
                                    

KATH

Andito lang ako sa gate tinitignan si daniel maglakad papunta sa bahay nila. mamaya makidnap. Sala ko pa.
Hahaha. Okay, OA.

Sarap asarin ni daniel hahaha. Kahit na asar na asar na sya andun parin yung pagkagentleman nya. Wait, gentleman nga ba? O sakin lang hindi? Ts, basta. Hahaha weird.

"Kath pasabi nalang kung tunaw na ako ha" sigaw ni dj nung nasa gate na sya ng bahay nila. Diko kasi namalayan na nakatitig na ako sakanya. Malay ko ba. May iniisip ako.

"Che! Ang assuming mo. Pumasok ka na nga. Panira. Bye!" Sabay pumasok na ako at nilakasan ko talaga pag sarado ng gate.

"Sus panira daw. Panira ng ano? Ng imagination mo? Na you and me are kissing?" Sigaw nya. Dahil dun napahinto ako sa paglalakad. Grabe, wala talagang hiya yun. Sinigaw pa nya. Buti nalang walang tao.

"Mahiya ka nga Daniel Padilla. As if namang magkakagusto ako sayo. Sa mukha mong yan mga frogs lang ata papatol jan eh." Lumabas pa talaga ako ng gate para isigaw yan sakanya. Nakita ko pa syang patawa tawa tapos nung napansin nyang nakalabas na ako ng gate. Bigla syang tumigil tapos halatang nagpipigil ng tawa. Ang kapal talaga ng mukha akala mo naman kung ang gwapo gwapo.

"Kaya pala mukha kang frog." Kainis. Di ata ako mananalo dito. Napaka yabang.

"Kapal mo! Alam mo ikaw napakahangin mo. Sarap mong ipakain sa gutom na gutom na lion."

"Haynako. Iiyak ka rin lang pag yun nangyare." Saan ba ito pinag lihi at napakahangin.

"Iiyak talaga ako. Tears of joy!" Dinilatan ko pa sya.

"Mababaliw ka kapag ako nawala."

"Ewan ko sayo. Bahala ka na nga!" Di na kaya ng powers ko. Bwisit! Bwisit! Bwisit! Pumasok na ako ng bahay. Binalibag ko yung gate at yung pinto. Pumasok ako sa bahay ng nakakunot ang noo.

"Oh anak, bakit ganyan yang mukha mo?" Nakita ko pa syang nagpipigil ng tawa. Habang may hawak syang phone may kausap.

"Si daniel po kasi. Nakakainis. Bat ba kasi nagkaron pa tayo ng kapit bahay na saksakan ng-"

"Gwapo?" Napatigil ako sa pagsasalita ng may narinig akong boses mula sa likuran ko. Lumingon agad ako sa likod at sabi na nga ba. Hindi ako nagkakamali.

"Ano nanamang ginagawa mo dito?" Sino pa nga ba. The pinaka epal at saksakan ng yabang.

"Ibibigay ko lang tong cookies na binake nila mama. Peace offering." Sabay nag peace sign pa sya.

"Ayoko nga tanggapin yan. Mamaya may lason pa yan eh"

"Wala no. Kahit na sobrang baho at nakakasuka yan mukha mo. May awa parin ako sayo." Sobrang kapal talaga.

"Ah alam ko na! May gayuma yan no? Sabi ko na nga ba daniel eh. May gusto ka sakin."

"Mas lalong wala. Mag lalagay na nga ako ng gayuma sa ganyang mukha pa? Wag nalang."

"Pumunta kaba dito para ibigay yang peace offering mo o para asarin ako ulit?"

"Uhmm, pwedeng both?"

"Bwisit kaaaaaa!" Sabay tumalon ako sakanya at Sinabunutan ko sya sa sobrang inis ko. Tuloy napahiga kami sa floor. Buti nalang nalapag nya agad yung cookies sa may table.

"Anak! Anong ginagawa mo kay daniel?" Sabi ni mama habang inaawat kami.

"Tinuturuan ko sya ng leksyon! Eto pa!!!" Sabay pingot ko sa tenga nya.

"Aray ko kath! A-aray! Tama na. Ikaw na panalo. Aray."

"Ano? Sinong maganda?"

"Si mama mo!" Mas lalo ko pang nilakasan yung pingot ko sakanya.

"Ano? Paki ulit nga! Sinong maganda?"

"Aray ko! Oo na. Ikaw na. Maganda kana"

"Mukhang napipilitan ka eh." Hihigpitan ko pa yung pagkakapingot sa tenga nya ng sabihin nya ulit na.

"Ang ganda mo kath. Sobra! Walang makakatalo sa ganda mo kaya bitawan mo na yang tenga ko please ganda." Binitawan ko na yung tenga nya. Hahahaha. Ang cute namumula.

"Daniel the red ear alien." Hahahha. Kinantahan ko pa sya yung christmas song red nose raindeer. Nakakatawa yung itsura nya. Si mama naman kumuha ng yelo para daw sa tenga ni daniel.

"Grabe ka kath. Brutal mo."

"Ganun talaga ang magaganda. Hahahaa." Sabi ko habang kumakain ng bigay nyang cookies. Ang saraaaaap.

"Sino nga pala nagbake netong mga cookies?"

"Si mama at magui."

"Ah. Masarap pakisabi paturo ako nexttime. "

"Sus gusto mo lang ako makita eh."

"Baka gusto mong sa kabila namang tenga ang mamula?"

"Sabi ko nga. Sasabihin ko kila mama na turuan ka nila mag bake." At nag fake smile pa sya. Hahahaa.

"Thankyouuuu. Hahahaa" ngumiti ako ng malapad sakanga habang sya naman ay nakangiti parin ng peke sakin. Hahahaha. Ang cute lang.

--
Hey guys. Thanks for reading. Please vote and support this story. And kung may mga suggestions po kayo. Just pm me. Thanks. Enjoooooy.

Right Person at the Wrong Time.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon