Chapter 9

26 1 0
                                    

DANIEL

Tuwang tuwa ako at ang lapad lapad ng ngiti ko nung pag kapasok ko ng bahay. Sobrang inis na inis at badtrip na badtrip yung mukha ni kath.

Naabutan ko sila mama na nagbabake sa kitchen kasama si lelay at magui. Wala nanamang magawa tong mga to. Naalala ko pa dati nung nagbake sila ng cake. Sunog hahahaa. Pero ito ang malupet. Pinakain parin samin ni mama yung binake nilang sunog. Yung mukha namin nila jc noon. Hindi maipinta. Matamis na nangingibabaw ang pait.

"Why are you smiling kuya?" Diko napansin na nakangiti ako habang naka tingin sa binibake nila.

"Wala lang naman. Patikim nga." Kumuha ako ng isa sa mga nabaked na syempre.

"Ano masarap ba?" Tanong saakin ni mama at nakita ko ring nakatingin na sakin si lelay at magui.

Nagmukhang maasim face ako nag aacting na di masarap yung binake nila. Hahaha. Pero masarap naman talaga.

"Bwisit naman oh. Wala nang masarap sa binake natin." Binalipag ni nama yung rolling pin. Hahahaha.

"Joke lang. Hahaha. Masarap. Pahingi ako ng 10 ah. May pag bibigyan lang ako. Pahingi rin ako ng box. Salamat" bigla ko nalang naisip si kath nung nakita kong binalibag ni mama yung rolling pin. Hahaha. Bibigyan ko ng cookies para peace offering.

Pumunta ako sa bahay nila. Katok ako ng katok pero walang sumasagot kaya binuksan ko yung pinto at pumunta ako sa sala. Nakatalikod sakin si kath habang kausap nya si mama nya. Alam kong inis na inis parin yung boses nya hahaha.

Andito parin ako sa sala nila kath ngayon mahigit 30 minutes na akong nandito. Pinapahid ko itong yelo sa tenga ko dahil iyon ang sabi ni tita. Bwisit kasi si kath. Napakabrutal. Pumunta ako dito para ibigay yung peace offering ko na cookies hindi para magkaron ng ganto sa tenga. Kasalanan ko rin naman. Kung hindi ko nalang inasar yun babaeng yun edi sana wala akong nararamdam na ganto na parang ang bigat bigat ng tenga ko na ang init init pa. Diko ba alam kung babae yun o lalake.

"Okay na ba yang tenga mo?" Tanong saakin ni kath.

"Hindi pa. Ikaw kasi napakabrutal." Nakita kong tinaasan nya ako ng kilay. Aba maldita. Hahaha.

"Kasalanan mo yan. Buti nga sayo." Minsan talaga hindi ko rin magets si kath. Akala mo sweet pero sarcastic pala ang pagkakasabi. Ang himbing kasi ng boses nya kaya hindi mo talaga mahahalata.

"Uwi na ako. Salamat dito ha naappreciate ko ng sobra." Sarcastic kong sabi sakanya.

"Walang anuman. Sa uulitin. Paki sabi rin pala kila mama mo na ang sarap nung cookies at thankyou." Nang aasar talaga to.

"Hindi kaya sila ang nagbigay sayo nyan no. AKO. Kaya dapat sakin ka magpasalamat."

"Sino ba ang gumawa?"

"Sila. Pero ako parin ang nag bigay at nag hatid dito kaya dapat saakin ka magpasalamat." Nag sayang ako ng pawis para maglakad papunta dito tapos hindi man lang nya ako pasasalamatan. At namamaga itong tenga ko dahil sa babaeng yun.

"Edi thankyou poooooo." Dinilatan ko lang sya kasi saktong dumating si mama nya.

"Bye po tita thankyou po." Paalam ko sa mama nya.

"Ingat ka daniel. Pasensya kana dito kay kath." Opposite sila ni kath. Ang laki ng difference sakanilang dalawa. Si mama nya mabait si kath hindi. Si mama nya maganda si kath hindi. Hahaaha.

"Ma, dapat lang yan sakanya no. Inaapi nya kasi ako. Binuhos ko lang naman mga inis ko sakanya." Eh sya nga yung naunang nang asar ng mamas boy kanina. Nako talaga naman mga babae talaga.

"Kahit na." Kakampi ko talaga tong si tita hahaha. Kawawa nama si kath.

"Sino po bang anak mo samin.huhuhu" kunwa-kunwari pang uniiyak. Ang pangit hahahah.

"Kayong dalawa. Haha."

"Umuwi kana nga daniel! Cheeee!" Hahahaha. At hinila na nya ako papunta sa gate.

"Uwi kana. Mang aagaw ng nanay." Andito na kami sa labas ng gate.

"Pano ba yan kath? Kampi kami ni tita. Hahahaa. Poor you." Dinilatan ko pa sya. Hahaha.

"Che babye!" Papasok na sana sya sa loob ng gate ng hilain ko sya. Dahil dun nagulat sya at napauntog pa sya sa dibdib ko.

"Ikaw ah chansing ka." Hahaha
Agad naman syang umalis at lumayo saakin. Hindi nya kasi ineexpect na hihilain ko sya.

"K-kapal mo. Umuwi kana nga."

"Dimo man lang ba ako ihahatid?"

"Woooow. Jan lang yung bahay nyo oh. Parang makikidnap ka naman jan."

"Sabi mo nga jan LANG yung bahay namin kaya ihatid mo ako." Diniinan ko talaga yung Lang. Hahaha.

Kinuha ko yung kamay nya at bigla akong tumakbo papunta da gate namin at napasama sya dahil hawak hawak ko nga ang kamay nya.

"Aray ko daniel. Teka! Pagod nako. Uy!!" Diko sya pinapakinggang basta takbo ako ng takbo hanggang sa makarating kami sa harap ng gate namin. Hahaha. Hinahabol nya yung hininga nya. Habang nakahawak sya sa dalawang tuhod nya.

"Bwisit ka talaga sa buhay ko daniel. Nakakapagod. Dimo man lang sabihin para naman naka prepare ako agad." Tuloy tuloy yung reklamo nya. Bahala sya hahahaa.

"Eh pag sasabihin ko naman paniguradong aayaw ka."

"Syempre." Oh tignan mo nga tong babaeng to. Napakagulo kausap. Hahaha.

"Sige na kath. Uwi kana maggagabi na. Hahaha."

"Kainis ka talaga daniel. Kung hindi naman kasi dahil sayo hindi ako gagabihin. Ts"

"Dj na nga labg tawag mo sakin. Masyadong mahaba pag Daniel."

"Pati pag bigkas ng pangalan tamad ka. Grabe ka talaga boy. Hahaha. Sige na uwi nako deej. Byeee!" At tumakbo na sya pauwi. Ang weird talaga kanina lang nagrereklamo sya dahil tumakbo kami. Ngayon naman tumakbo pa pauwi. Hahaha.

"Sabi ko DJ hindi Deej." Sigaw ko kasi baka hindi nya marinig.

"Whatever." Sabi nya habang tumatakbo. Hinintay ko syang makarating sa harap ng gate nila at makapasok bago ako pumasok sa gate namin. Para sure na safe sya.

Right Person at the Wrong Time.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon