KATH
Matagal ko nang napapansin si dj na nakatulala. 1 week and 3 days na syang ganyan. Diko alam kung anong dahilan. Minsan hindi na nya ako binibigyan ng rose. Kagaya ngayon.
Andito ako sa may bukirin nakasandal sa puno habang nakaupo. Dito yung last na nagkaroon kami ni dj ng masayang memories. Kaya hindi ko to maiwan iwan kasi para mafeel ko parin yung masasayang memories namin. Hindi ko narin alam kung dapat ba syang ipaglaban kasi diko narin maramdaman na mahal nya ako. Parang ako na nga lang lumalaban sa relasyon namin. Hinihintay nya nalang ata na bumitaw ako.
Umuwi na mga ibang students. Hinihintay ko si dj dito sa may bench. Sabi ko kasi sakanya sabay kaming umuwi. Sagot nya lang okay. Ano pa bang ineexpect ko. Ganyan naman sya lagi eh. Wala akong lakas na loob sabihin nararamdaman ko at tanungin kung anong problema nya bakit sya ganyan.
6 na pero wala parin sya. Tinatawagan ko sya at tinitext pero hindi sya sumasagot. kaya naisipan ko ng umuwi kesa maghintay ako dito para sa wala. Nakakainis.
Habang naglalakad biglang may huminto na kotse sa gilid ko. Sasakyan to nila dj. Kaya mas binilisan ko maglakad. Ayoko syang kausapin.
"Kath!" hindi parin ako lumilingon. Patuloy nya parin akong tinatawag.
"Ano ba?!" Sigaw nya sakin. Napalingon ako sakanya kasi firsttime to. At dahil narin hinila nya yung kamay ko.
"Aray masakit dj. Bitawan mo nga ako" binitawan nya nga ako pero parang pabato ang bitaw nya.
"Ano bang problema mo?!" Sabi nya sakin.
"Wow!" ngumiti pa ako sakanya at pumalakpak. "Anong problema ko? Naririnig mo ba yang mga sinasabi mo?"
"Pwede ba kath. Ayoko ng drama. Wala akong oras-" agad ko syang pinutol sa sinasabi nya.
"Lagi ka namang walang oras eh. Sanay na ako. At isang milagro nalang yun kapag nagkaron ka ng oras sakin. Yung bumalik ka sa dati. Ano bang problema mo at ganyan ka? May nagawa ba ako? Please sabihin mo naman para makapagexplain ako at itama yun wag ganto p-please. Nagmamakaawa na ako." Umiiyak na ako kasi diko na talaga kayang pigilan.
"Gusto mo akong ibreak? Edi gawin mo! Hindi kita pipigilan"
"H-hindi na kita m-maintindihan kung bakit ka ganyan." Hindi sya nagsalita. Sobra na talaga iyak ko ngayon. Hindi ko ineexpect na ganyan sya. Na ganyan na ang trato nya sakin.
"M-mahal mo pa ba a-ako?" Tinignan ko sya habang umiiyak. Pero hindi sya sumasagot.
"M-meron nang i-iba?" Halos hindi ko masabi sabi yan sakanya. Ayokong marinig ang sagot nya pero yun lang talaga ang paraan para masagot mga tanong sa utak ko. Nakita ko syang yumuko.
"S-sino dj?" Bigla nya akong niyakap. Kaya humagulgol na ako.
"S-sorry kath. Im sorry." Basag ang mga boses nya. Sobrang higpit ng yakap nya.
"Si z-zharm ba?" Matagal ko naring napapansin. Hindi lang ako kumikibo. Yung mga tingin nya kay zharm ibang iba pag saakin. Bumitaw sya sa yakap. At hinawakan nya mga kamay ko. Umupo kami dito sa may bench sa may gilid ng daanan.
"Mahal kita kath. Mahal na mahal pero nung nakita ko sya hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako."
"Mahal mo parin sya." Sabi ko sakanya ng hindi nakatingin. Pero alam kong napatingin sya sa sinabi ko.
"Kath.."
"Nasaan ka kanina?" Tapang tapangan kong tanong sakanya. Kahit parang alam ko na yung sagot nya.
"Sa mall, nanunood ng sine k-kasama ko si zharm." Tama nga ako.
"Kaya pala hindi mo ako sinundo."
"Sht. Sorry kath. Nawala sa isip ko."
"Hindi, okay lang. Sanay naman na ako eh." Tumingin ako sakanya at ngumiti.
"Gustong gusto kitang intindihin. Pero sobra na to dj. Inaabuso mo na ata eh. Kaya ba ganyan trato mo sakin kasi dumating lang sya? Hindi to laro daniel. Hindi ako isang bagay na gagamitin mo tapos pag may dumating na bago isina santabi mo nalang. Hindi ko na maramdaman na mahal mo ako. Siguro nga mas mahal mo sya. O kaya sya talaga ang mahal mo. Ginawa mo lang akong panakip butas."
"H-hindi k--" agad ko syang pinutol.
"Sya parin naman talaga diba? Tngina naman dj. Bakit mo pa ako niligawan kung hindi ka sigurado sa nararamdaman mo. Sobrang sakit kung alam mo lang. Hindi ko alam kung ano bang nagawa kong mali bakit napaparusahan ako ng ganto. Gustong gusto kong bumitaw pero dahil mahal kita pinipilit kong intindihin ka kahit hindi ko na maintindihan kung tayo paba o hindi na. Wala nalang ako sayo. Hindi ko na makita yung dating daniel ko."
"Kath hindi ko alam na sobra na pala kitang nasasaktan." Kahit kelan naman hindi mo inalam kung okay lang ba ako o hindi.
"Alam ko. Simula nung d-dumating ulit sya sa buhay mo wala nalang ako sayo. Buong atensyon mo nasakanya. Tinuruan mo ako kung paano maging insecure. P-pinaglalaban kita pero hindi ko alam na matagal ka na palang bumitaw. Sobra kitang mahal dj. Pero tamana siguro to. Ituloy nyo na love story nyo ni z-zharm na naputol. atleast hindi kana mahihirapan. Wala ka nang dapat isipin pa. Our story has ended. Sana meron pang continues to 'no? Pero malabo na mangyare yun. Salamat sa lahat. Sorry sa mga pagkukulang ko. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita." Bigla nya akong niyakap.
"K-kath patawarin mo sana ako balang araw. Hindi ko sinasadyang m-mangyari to. Pero mahal ko parin talaga sya. Sya parin talaga. S-sorry" sabi nya sakin. umiiyak narin sya.
"Shhh. Tama na. Wag kana umiyak. Okay lang ako." Tumayo na ako at naglakad na palayo. Wala na akong ibang narinig kundi ang hagulgol nya. Patuloy paring bumabagsak mga luha ko habang naglalakad. Tama nga sila. Truth hurts.
--
Sorry sa late update guys. Busy eh. Please vote and spread this story. And i need suggestions. Pm me.
![](https://img.wattpad.com/cover/93017331-288-k776911.jpg)
BINABASA MO ANG
Right Person at the Wrong Time.
FanficThey say, if you are ready to love you should be ready to get hurt. What if, one day everything has changed? Kakayanin kaya nina Kathryn at Daniel ang malaking pagsubok na dadating sa buhay nila? Kakayanin kaya ni Kathryn makita ang pinakamamaha...