DANIEL
Nakayuko ako dito sa desk ko. Nagtutulug-tulugan para walang mangulit sakin. Lalo na't andito si diego. Buti nalang anjan si juls.
Iniisip ko yung nasabi ko kay kath kanina sa hallway. Yung sya ang gusto kong kasama. Totoo yun walang halong biro. Sobrang saya ko pag kasama ko sya. Hindi ko iniisip mga sasabihin ng iba. Basta ang alam ko lang is masaya ako pag anjan sya. Siguro dahil wala syang arte sa katawan. Hindi sya demanding kasama. Totoo sya. Pinapakita nya ang tunay na ugali nya. At sya ang dahilan kung bakit unti unti kong nakakalimutan yung mga nakaraan ko. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil unti unti kong nakakalimutan ang nakaraan ko. At dahil yun kay kath. Kaya ko lang binawi yung sinabi ko kanina sakanya kasi natatakot ako sa sasabihin nya. At dahil narin sa reaksyon nya. Haysssss. Wag ko na ngang isipin yun. Nagmumukha tuloy na nagkakagusto ako sakanya.Andito na kami ngayon sa canteen. Kasama ko si diegs,juls at kath. Ang pwesto namin ay.
Kath | Juls
TABLE
Ako | diegsSi diegs at juls bumili ng makakain namin. Nag pphone si kath. Tinapakan ko yung paa nya para maagaw ko naman atensyon neto.
"Aray ko! Ano ba?!" Lagi nalang masungit to. Lagi nalang ata meron or baka menopause na. Hahaha.
"Kath ilang taon kana?"
"17. Bakit mo naman natanong" yung mukha nya halatang nagtataka narin.
"Ah ang mga nagmemenopause ba 17 years old?" Pinipigilan ko ang tawa ko hanggang sa makakaya ko. Hahahah.
"Huh?" Nalilito na sya sa mga tinatanong ko. Hahaha.
"Menopaused kana ba?"
"Aba gago ka ah." Bigla ba naman nya akong sinipa sa paa. Ang sakit. Dalawang paa pa.
"Aray ko. Bruts ka talaga. BRUTS!!" Asar ko sakanya. Dahil sa sigaw kong yun. Naagaw namin ang atensyon ng mga estudyante dito sa canteen.
"Bruts?" Girl 1.
"Ugly name. Like her face." Girl 2.
"Right girls." Girl 3.
Tumingin ako sakanila ng masama kaya napayuko sila. Agad ko namang tinignan si kath. Ang sama sama ng tingin nya sakin. Nako, yari nanaman ako nito mamaya. Sakto,dumating na yung mga inorder namin kaya binaling ko nalang ang atensyon ko sa kinakain ko.
Nang matapos na kaming kumain. Agad naman akong tumayo at nagpaalam sakanila na mag ccr.
Naglalakad ako ngayon dito sa hallway. Nang biglang may humihila hila sakin. Pinipingot nya yung tenga ko habang naglalakad. Shit ang sakit.
"Aray ko kath. May kamay naman kasi ako. Bakit hindi yun ang hilain mo? Aray!" Ang sakit sakit ng tenga ko. Buti nalang hindi yung piningot nya kahapon.
"Ayoko nga yang kamay mo. Baka may germs. At pwede ba daniel wag mo akong tawaging bruts!" Gusto kong matawa. Pero dahil sobrang sakit na ng tenga ko hindi ko iyon magawa.
"Maganda naman yung bruts ah. Unique nga eh."
"At talagang inaasar mo ako. Tignan natin. Hindi naman ako yung nasasaktan eh."
"Okay! Oo na. Hindi na kita tatawaging bruts. Kaya tanggalin mo na yang pagkakapingot mo sa tenga ko." At tinanggal na nya ang pagkakapingot sa tenga ko. Grabe yun. Pingot girl lang? Kakaiba talaga yun.
"Hay salamat." Sabi ko habang hinahawakan yung tenga kong mainit at namumula.
"May marinig pa akong bruts. Tatamaan ka talaga sakin. Hindi lang yan makukuha mo." Im scared. Huhuhu. Tae nya. Actor kaya to no.
"Sige na kath punta na akong canteen. Hindi na ako magccr anjan kana kasi eh."
"Ano namang meron kung andito ako.?"
"Baka kasi pagsamantalahan mo ako. Mahirap na. Makasuhan ka pa ng rape." Kitang kita kong naiinis na sya. Hahahah. Konti nalang uusok na ang ilong at puputok na ang kanyang tenga.
"Pwede ba! Hindi ako interesado jan sa katawan mo."
"Suuuus. Ang laki kaya ng katawan ko. May abs pa ako."
"Ano abs?"
"Oo. May abs ako."
"Baka naman. A Big Stomach ang tawag jan? Abs diba."
"Gusto mo ipakita ko sayo?"
"Ayoko nga no. Mamaya masuka pa ako. Kadiri ew. Baka buto buto lang ang makita ko jan."
"Maka kadiri ka. Alam ko namang gabi gabi mo tinitignan mga pictures ko at hinahalikan."
"Ang kapal mo talagang lalaki ka. Kaasar! Bahala ka jan! Pasabi nalang kila juls na hintayin ko sila sa classroom. Bye!" Pikon talaga to. Hahaha.
"Okay. Byebye bruts!" Sabay takbo ko papuntang canteen. Hahahaa.
"DANIEL PADILLAAAAAAAA!!!!" Sigaw ni kath. Diko sya nililingon. Takbo lang ako ng takbo.
"BABYEEEE!!!" Inaasar ko pa sya lalo mas okay kasi yung mukha nya pag nakasimangot. Hahaha.
--
Enjoy reading guys. Sorry kasi ang corny. Hahaha. Please support and spread this story. Thankyou.
![](https://img.wattpad.com/cover/93017331-288-k776911.jpg)
BINABASA MO ANG
Right Person at the Wrong Time.
FanficThey say, if you are ready to love you should be ready to get hurt. What if, one day everything has changed? Kakayanin kaya nina Kathryn at Daniel ang malaking pagsubok na dadating sa buhay nila? Kakayanin kaya ni Kathryn makita ang pinakamamaha...