Chapter 11

29 1 0
                                    


KATH

Nagising ako dahil may kumakalabit saakin. Hindi ko iyon pinapansin. Minulat ko yung isang mata ko. Madilim palang. Matutulog nalang ulit ako baka kung ano ano nanaman iniimagine ko. Nakatagilid ako parang di ako komportable kaya tumagilid nanaman ako sa kabila.

"AHHHHHH!!" sabay tilakbong sa kumot ko. Kinakabahan ako. Multo yung kumakalabit saakin kanina? Sheez. Ayoko na dito sa bahay na toooooo. Gusto kong tumakbo pero hindi ko kaya. Nangingibabaw na ang takot ko. Hindi ko masyadong nakita mukha nya basta puti na masilaw. Grabe, firsttime ko 'to.

"Sino ka!?" Sigaw ko. Okay lang kahit pag sabihan nila akong baliw na nakikipag usap sa hangin. Ikaw kaya multuhin.

"Akoo si boooots. awuhhh" boots yung unggoy na kaibigan ni dora. What the heck.

Bigla akong napatigil sa kakaisip kung paano makatakas dito ng may narinig akong malakas na tawa. Parang kilala ko yung boses na yun ah. Bigla kong tinaggal ang pagkaka tilakbong ng kumot saakin.

"DANIEL?! ANONG GINAGAWA MO DITO? PANO KA NAKAPASOK?" Sigaw ko sakanya. Dahil sobrang gulat ko.

"Hahahaha! Ang epic ng mukha mo. Takutin ka pala eh." Bwisit sya pala yung nangangalabit saakin. Akala ko multo. Nilagyan nya ng maraming pulbo yung mukha nya tapos gumamit pa sya ng flashlight. Kung ikaw ba naman na kakagising ganun makikita mo. Nakakatakot na nga yung mukha nya kahit normal mas papapangitin nya pa. talagang magugulat ka. Buti nalang wala akong sakit sa puso kundi kanina pa ako na heart attack.

"Che! Alam ko naman na ikaw yun. Kunwari hindi ko alam para hindi ka mapahiya saakin." Palusot pa kath. Hahaha.

"Mag palusot ka yung hindi halatang nagsisinungaling okay?"

"Che! Ano ba kasing ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok?"

"Easy easy. Daming tanong eh."
"Maaga kasi akong nagising. Kaya naghanda na ako para pumasok sa school tapos sakto nakita ko si mama mo lumabas ng bahay nyo nilapitan ko sya at sinabi nyang pakigisingin ka dahil mamamalengke lang daw sya ng ingredients para sa ulam nyo."

"Ah ganun ba. Anong oras naba?"

"5:36" cool nya pang sabi.

"Ano?! Ang aga mo namang mang gisingin. Ano bayaaaaaan. Labas kana nga matutulog pa ako."

"Ayoko nga no. Halika na nga." Hinila nya ako patayo sa kama tapos itinulak tulak papuntang banyo.

"Maligo kana hintayin kita sa sala. Bilisan mo."

"Wow. Ano ka boss ko?"

"Oo. Angal ka?"

"Talagang aan-" aba bastos. Bigla ba naman akong sinarahan ng pinto. Makaligo na nga bwisit talaga yung lalaking yun.

Tapos na akong maligo at magbihis. Andito ako ngayon sa harap ng salamin. Nagsusuklay. Pagkatapos kong magsuklay naglagay naman ako ng pulbo sa mukha at lip balm. Nagbabalat kasi itong labi ko. Halos lagi nalang. Hirap tuloy ngumiti ng sobra baka kasi masugat. Ang sakit sakit.

"Kath! Ang tagal mo naman. Nalunod kana ba dyan sa banyo?" Sigaw ni daniel na hanggang ngayon ay kumakatok parin.

"Tapos na poooo" at bigla ko namang binuksan yung pinto kaya imbis na yung pinto ang kakatukin nya yung noo ko yung nakatok nya.

"Aray ko naman. Ano bayan. Ang aga aga eh"

"Sorry naman. Paharang harang ka kasi." Wow. Ako pa talaga. Ako na nga yung nasaktan ako pa yung paharang harang.

"Duh, labasan po iyon at pinto yun kaya syempre bubuksan ko."

"Pinto yun kaya kakatukin ko. Duh." Ginaya nya pa talaga yung pagkasabi ko ng duh. Paramg bading.

"Katok ka kasi ng katok para kang timang"

"Eh bakit kasi ang tagal tagal mo sa cr."

"Malamang babae ako natural lang na mabagal ako maligo."

"Sus sabihin mo lang nahirapan kang kuskusin yang libag mo." Ang yabang yabang talaga nitong lalaking to.

"Heh! Mahiya ka nga. Ang aga aga nangaasar!"

"Ang aga aga ang sungit sungit."

"Pake mo ba?"

"Malamang may pake ako kasi ako yung sinusungitan mo."

"Sinira mo na nga tulog ko ginawa mo pang pinto itong precious noo ko."

"Ha? Ano? Precious? San banda?" Tinignan tignan nya pa talaga yung mukha ko na parang may hinahanap. Ts.

"Ewan ko sayo. Nakakabadtrip ka." Bangayan lang kami ng bangayang habang pababa ng hagdan ng sumingit si mama kaya napatingin kaming dalawa sakanya.

"Haynako kayong dalawa talaga. Ang aga aga bangayan kayo ng bangayan."

"Tita si kath po kasi ang sungit sungit ang aga aga."

"Mama si daniel po kasi ginawa ba naman nyang pinto itong noo ko kinatukan nya."

"Tita diko naman po sinasadya eh. Bigla nya pong binuksan yung pinto kaya nakatok ko yung noo nya."

"Di naman pala sinasadya ni daniel eh."

"Eh ma ginising nya rin po ako ng 5:30."

"Inutos ko yung kay daniel. Haynako. Kumain na nga kayo baka malate pa kayo nyan."

Kumain nalang kami ni daniel nung una pa nga nag aapakan kami ng paa hanggang sa nagkasawaan na kami. Hahaha.

Pagkatapos naming kumain ni daniel agad na kaming pumunta sa school. 6:47 na kasi. Dapat 7 andun na kasi may flag ceremony pa.

Right Person at the Wrong Time.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon