KATH
3 months na ang nakalipas. 1 month na kami ni dj. 2 months nya akong niligawan. Nung nililigawan nya palang ako Lagi akong may red rose with letter pa yun. Ang maganda dun hanggang ngayon binibigyan nya parin ako ng ganun. Kalat narin sa buong campus yung tungkol samin ni dj pati yung paanong nangyari. Kwento ko sainyo yung story. Hahaha.
FLASHBACK
"Kath sorry ah. May pupuntahan kasi kami ngayon nila mommy. Mauuna na ako. Anong oras narin kasi eh." Sabi ni juls. Andito kami sa may waiting shed malapit sa school. Nakakainis naman si dj. 6:08 na. Isang oras na kaming naghihintay dito. Late din kasi kami lumabas ni juls dahil sa maraming utos ni maam.
"Ah sige una kana. Ingat ka ha."
"Sige kath. Ingat ka rin. Umuwi kana kapag 6:30 wala pa sya dito okay?"
"Okay sige. Babye!"
"Bye!" Sumakay na sya dun sa sasakyan nila.
San kana ba kasi daniel. Nakakainis. Ayaw na ayaw kong naghihintay buti nalang mahal ko yun. Lagot talaga sakin yun mamaya. Pag ako nag commute diko talaga sya papansinin. Syempre mahal mahal nanaman ng singil sakin dahil gabi na. Tapos wala pa akong napala sa kakahintay dito.
6:39 na. Andito parin ako. 6:45 pag wala pa sya uuwi na talaga ako. Tinignan ko phone ko. Walang tawag ni message wala. Himala nga eh. Hindi tumatawag si mama. Bakit kaya? Anong kaya--
Natigil ako sa pagiisip ng may biglang tumigil na sasakyan sa harap ko at biglang may lumabas na 3 na lalaki. Naka mask ang mga ito at pinalibutan ako. Sobra akong natatakot. Diko alam gagawin ko.
"Bitawan mo nga ako!! Aray! San nyo ba ako dadalhin?"
"Tumahimik ka!" Mababa ang boses. Halatang pinababa.
"Aray! Yung braso ko!" Sobrang higpit kasi yung pagkakahawak. Patuloy parin ako sa pagpupumiglas. Wala na akong pwedeng gawin kundi eto lang.
"Wag mo daw sasaktan sabi ni-" bulong na narinig ko. Nagulat sya kasi muntikan na nyang nabanggit yung pangalan.
"Ano bang gagawin nyo sakin? Wala akong pera dito! Oh kunin nyo na tong phone ko!"
"Ikaw ang kailangan namin" ano namang kasalanan ko sakanila.
"AAAAHHHH! TULONGGG!! TULOOONG!!" biglang namang tinakpan ang bunganga at ilong ko. May naamoy akong diko alam kung anong amoy iyon pero nakakahilo. Unti unting lumabo ang paningin ko and then everything went black.
Nagising ako. Nakahiga ako ngayon dito sa isang sofa. Sobrang dilim. Agad akong tumayo at naglakad lakad. Kinuha ko yung phone ko. Pero lowbat na.
"May tao ba dito?" Sigaw ko. Kulong etong bodega na to kasi nag echo. Kaya lakad lang ako ng lakad. Ng may narinig akong kanta sa likod ko. Agad akong lumingon. At dun biglang lumiwag. Pero sa harap ko lang. Dito banda sakin wala pang ilaw Nakita ko maraming balloons and petals sa floor sa harap. Pati sa ceiling merong balloons.
"Nasa'yo na ang lahat minamahal kita pagkat. Nasa'yo na ang lahat pati ang puso ko." Halos parang bulong lang yun. Narinig ko naman sa likod ko. Kaya agad akong lumingon. At biglang lumiwag naman. Nakita ko agad si daniel na ang lapit lapit na sa mukha ko pagkalingon ko palang. Kaya agad akong napaatras dahil sa gulat. At dahil dun nakita ko sila mama at sila tita karla, magui,lelay sa likod pati sila juls at mga kaibigan namin nila daniel marami ring nga bisita. Hindi ko kilala kung sino yung iba. Maganda itong lugar. Halatang pinaghandaan ng todo.
![](https://img.wattpad.com/cover/93017331-288-k776911.jpg)
BINABASA MO ANG
Right Person at the Wrong Time.
FanficThey say, if you are ready to love you should be ready to get hurt. What if, one day everything has changed? Kakayanin kaya nina Kathryn at Daniel ang malaking pagsubok na dadating sa buhay nila? Kakayanin kaya ni Kathryn makita ang pinakamamaha...