Chapter 27

24 1 0
                                    

KATH

Bwisit! Bwisit! Bwisit! Nakakainis talaga yun. Pero.. anong ibig sabihin nun? Anong ibig sabihin nung mga pinapakita nya sakin? Pinapafall nanaman ulit ako? Tapos ano? Sasaktan, iiwan at ipagpapalit. Ts. Mga lalake talaga.

Pero bakit ganto feeling ko? Ang saya ko na ewan. Feeling ko may chance ulit kaming dalawa. Pero hindi na ako aasa at mag dadaydream. Ayoko na magisip ng kung ano ano na sa huli ako rin ang masasaktan.

"Ayoko na. Ayoko na. Ayoko na."

"Hala sya.. Kanina lang nakangiti ngayon naman para ka ng timang. Ano yang ayoko na ayoko na ayoko na na yan?" Ginaya nya pa talaga yung pagkasabi ko ng ayoko na. Grabe tong babaeng to. Pasulpot sulpot nalang bigla. Break time siguro kaya naggala to kung saan saan.

"Paano mo alam? Eh hindi nga kita nakita sa dinadaanan ko." Nanghuhula nanaman siguro tong babaeng to.

"Aray ko! What was that for?" Pano ba naman. Binatukan ako.

"What was that for what was that for ka jan. What what-in ko kaya yang mukha mo ng makita mo." Nag away siguro sila ng jowa kaya ako yung pinagbabagsakan nya ng galit. Sakit nun ha.

"Eh ano nga? Bakit mo ako binatukan?"

"Para ka kasing tanga jan na nakangiti ng walang dahilan. Tap--"

"Ano namang masama pag nakangiti?" Putol ko sa pagsasalita nya.

"Aray! Naka dalawa kana. Pag ako bumawi sinasabi ko sayo.." Pag banta ko sakanya. Binatukan kasi ako ulit. Sira talaga neto.

"Eh kung patapusin mo kaya muna ako no?"

"Sige tuloy mo na. Makikinig nako."

"Nakangiti ka ng walang dahilan tapos bigla bigla ka nalang mag sasabi ng ayoko na. At paano mo ako makikita kung nakapikit ka jan habang naglalakad. Kanina pa kaya kita tinatawag. Hindi mo ako naririnig lalim ng iniisip mo eh. Akala ko nga nagssleep walking ka." Naglalakad ako habang nakapikit? Woah. Ganun naba ako kashunga kapag si padilla iniisip ko? Baliw naba ako?

"My golliness! Really?! Naglalakad ako habang nakapikit? Sampalin mo nga ako please!" How stupid I am. Ako na siguro pinakashungang tao na nakapikit maglakad tapos pag madadapa. Iiyak.

"Sure ka?" Hindi ako nagsasalita pero nireready ko na sarili ko. Nakapikit na nga ako eh. Hinihintay ko nalang yung palad ni juls.

"Uy juls. Dali na. Mamaya makatulog nako dito eh." Ang tagal naman. Jusko. Im sure nasa harap ko sya nararamdaman ko yung hangin na lumalabas sa ilong nya eh.

Hala! Baka naman multo na 'to. Tagal eh. Kaya nag decide nako na imulat nalang yung mata ko.

"Ahhhhhhhhhh!!!!"

"Easy! Ano ako multo? Grabe ka naman kath."

"Asan si juls? Bakit ka andito?"

"Secret." At dinilitan pa talaga ako. Sheez ang lapit lapit ng mukha naming dalawa sa isat isa kanina? Syempre nararamdaman ko kasi yung lumalabas na hangin sa ilong nya.

"Arghh! Ikaw talagang lalaki ka! Manyak ka! Walang hiya ka talaga! Pinagpapapalo ko sya. Siraulo to. Alam naman pala nyang wala si juls hindi man lang ako kinalabit o sabihin man lang na wala si juls or whatever.

"Aray! Ano nanamang ginawa ko sayo?" Sabi nya habang hawak yung dalawa kong kamay.

"Wala!" Aalis na sana ako pero hinila nya yung kamay ko kaya napasubsob ako sa chest nya. Kahit ang ganda sa feeling dahil namiss ko sya.. Miss na miss ko na sya.. Agad akong lumayo. Kailangan eh. Ayoko ng mahulog ng sobra ulit sakanya. Torture na puso ko eh. Hindi ko na siguro kakayanin kapag nangyari pa o naulit yung mga nakaraan.

"B-baho. Ew. Alis nako. Nagugutom nako. See you around" at tumakbo na ako. Hinanap ko si juls.

Naiiyak ako! Bakit ganun sya? Hindi ko sya maintindihan. Para syang isang abstract, math problems, at batang bulol. Hindi ko talaga maintindihan. Hays! Bakit ganito?!
Natigil ako sa kaiisip ng tawagin ako ni ma'am.

"Ms. Bernardo." Tawag nya saakin kaya agad akong lumapit sakanya.

"Bakit po ma'am?"

"Natext mo na ba si ryan?"

"Opo ma'am pero hindi po sya nagrereply hindi rin po sya sumasagot sa mga tawag ko."

"Keep calling him. Si Mr.Padilla muna ang magiging partner mo. Tulad ng sabi ko earlier ikaw na bahalang magturo kay ryan ng steps pagkapasok nya. Okay?" Talaga naman tadhana oh. Kung kelan iniiwasan na yung taong yun tyaka mo kami pinaglalapit.

"Okay po ma'am." mag ookay nalang ako kahit labag sa kalooban ko. Paano na ako ngayon? Paano ko sya maiiwasan? Mahal ko parin sya pero ayoko ng masaktan pa ulit. Enough na mga sakit na pinaramdam nya saakin noon.

--
Hi guys. Maiksi lang muna ha. Bawi ako nexttime. Hehez. Hope you enjoyed. Thank u for reading.

Right Person at the Wrong Time.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon