Chapter 7

35 2 0
                                    

DANIEL

Hindi ko alam kung saan kami pupunta ngayon ni kath. Wala syang sinabi. Pag tinatanong ko naman sya ang sagot nya lang. Basta.

Andito na kami sa harap ng public school. Medyo malapit lang naman sa school namin. Pero nakakapagod. Nakaupo ako sa isang bench habang may binibili si kath. Hintayin ko daw sya dito.

Dumating na sya hawak hawak ang dalawang softdrinks at dalawang cup na may lamang orange na bilog. Weird.

Binigay nya sakin yung may bilog na kulay orange. Tinignan ko sya habang kumakain. Sarap na sarap sya. Abnormal ata to eh.

"Ano to?" Sabay pinakita ko sakanya yung orange na bilog.

"Kainin mo muna bago ko sabihin"

"Ayaw. Hindi ako kumakain neto" sabay lapag sa gitna namin.

"Kainin mo naaa. Pleaseee. Kahit isa lang wag na maarte"

"Ayoko ayoko a-" at bigla nyang sinubo sakin yung orange na bilog. Muntik kong nadura sa gulat pero hindi ko natuloy dahil pinandilatan nya ako ng mata at tinakpan nya ang aking bunganga.

Nguya lang ako ng nguya. Hmm. Masarap naman pala.

"Ano masarap ba?"

"Uhm, pwede na"

"Kain kapa ng kwekkwek. Sabayan mo ako dali" ah kwek kwek pala yung pangalan. Weird. At tinuruan nya ako kung paano kumain. Tinuro nya sakin na tusukin ko muna yung kwekkwek at isawsaw sa sauce. Quail egg ang laman.

Pauwi na kami ni kath. Papunta na kami sa school dahil andun yung kotse ko. Ihahatid ko sya besides magkakapit bahay naman kami.

Naglalakad kami ni kath habang nag aasaran. Nagbibilangan kasi kami kung ilan yung nakain naming kwekwek. Hahahaha. 11 sakanya at 14 naman sakin. Pero sinasabi ko na 10 lang yung akin. Sarap kasi nyang asarin.

"Hindi ah. 14 sayo. Tanda ko pa yun. Nag take two ka. 40 pesos nagastos ko sayo. 20 pesos 7pcs ang laman. Akala mo diko memorize ah" sabi nya. Grabe tong babaeng to. Pati yun memorize.

"Nahulog ko yung apat kaya"

"Che! Wala namang kwek kwek na nahulog dun eh ni isa wala" sabi nya nang nakanguso. Hahahaha.

"Wag ka ngang ngumuso. Hilain ko yan eh" kinusilapan naman ako. Hahaha.

Asaran lang kami ng asaran hindi ko namalayan na andito na pala kami sa parking lot. Hahaha. Sobrang saya pala netong kasama eh. Sarap nyang asarin.

Pauwi na kami ni kath. Hindi sya nagsasalita. Nakatingin lang sa labas. Matampuhin pala to.

"Oo. Ikaw na panalo." Bigla akong nagsalita. Tumingin agad sya sakin ng nakangiti. Hahaha.

"Sabi na eh!!!" Sabay taas pa ng dalawang kamay nya na parang nanalo talaga. Hahaha.

"Babaw naman ng kaligayan mo. Hahaha"

"Che! Basta ako panalo. Ako panalo. Ako panalo" sumayaw sayaw pa sya. Hahaha.

"Ano naman ngayon kung ikaw panalo? May prize ba?" Bigla naman syang napatigil dun sa sinabi ko at sumimangot. Hahahah.

"Joke may prize." Sabi ko nalang. Nakakaawa kaso mukha nya. Hahaha.

"Yesss! Eh, ano yung prize ko?"

"Kiss" sabay ngumuso ako. At nakatanggap ako ng matinding batok.

"Ulul" at nagtawanan nalang kami.

Andito na kami sa harap ng gate nila. Pinapasok nya ako sa bahay nila para ipakilala kay mama nya daw.

"Mama! Andito na po kami!" Sigaw nya pagkapasok namin sa pinto.

"Ano? Kayo? Kasama mo si juls?" Tanong ng mama nya. Nasa kwarto kasi si mama nya hindi pa lumalabas.

"Hindi po. Kasama ko po si daniel." Bigla naman lumabas si mama nya. Ngumiti sya ng malapad sakin.

"Hello po tita."

"Hello. Maupo ka. Ikaw talaga kath di mo manlang paupuin boyfriend mo." Nakita kong nanlaki yung mata ni kath.

"Ma! Hindi ko po boyfriend si daniel. Classmate ko po sya. Hinatid nya lang po ako dito sa bahay"

"Ganun ba. Sayang naman."

"Anong gusto mong meryenda daniel?"

"Hindi na po. Kakatapos din lang po namin kumain ni kath."

"Ah sige. Inumin?"

"Tapos narin po."

"Ma, sya yung kapitbahay natin."

"Ikaw siguro yung kinikwento ni karla sakin na baby boy nya" Nagulat ako. Si mama talaga. Ang laki laki ko na binibaby parin nya ako. Nakakahiya.

"Opo mama ko po sya. Hehe" nakakahiya talaga. Tapos nakita ko si kath na natatawa. Haynako talaga tong babaeng to.

"Ah tita, kath. Uwi na po ako. Baka hinahanap na ako ni mama. Salamat po."

Hinatid ako ni kath. Hanggang gate.

"Thanks sa libre kath!" Sabi ko habang papasok sa loob ng sasakyan.

"Wala yun mamas booooy" sabi na eh. Mangaasar lang to. Hays mama talaga!!!

"Mapagbiro lang si mama no."

"Anyenyenye." Ginagaya nya pa yung sinabi ko tapos nag mamakeface.

"Aray ko!" kinurot ko kasi yung ilong nya. Hahaha. Namula tuloy.

"Palibhasa kasi mamas booooooy! Bleeeh"

"Bahala ka nga. Kulit" ang kulit kulit talaga.

"Hahahaha. Sige na uwi kana."

Right Person at the Wrong Time.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon