Chapter 3

2.6K 23 11
                                    

Chapter 3

Chichay’s POV

Nakita ko siyang umupo dun sa sahig sa tambayan nila. Tapos nagyaya na si Katsumi na umalis. Lalakad na sana ako ng makita ko si Joaquin, baka kailangan niya ng kausap. Pero, baka pagbuntungan ako nito ng galit. Lalakad na sana ako ng biglang sumarado yung pinto. Sinubukan kong buksan pero di ko kaya, stuck yata. HALA! Naku po, Dyos ko, wag po sana akong patayin ng Joaquin Manansala na ‘to. Katsumi naman kasi eh, bakit mo sinarado? Pekstusan kita pag nakalabas ako dito, pramis!

Pilit ko pa ring binubuksan ang pinto pero wala talaga eh. Ayaw niya bumukas. Pag nga naman sineswerte ka, oo. Pag ito, di bumukas sa gagawin ko, di na ako maniniwala sa magic.

“Okay. Kaya mo ‘to Chichay... ABRA KADABRA! PINTO, BUMUKAS KA!” Pero di bumukas. “Waepek...”

“Para kang tanga dyan.” Lumingon ako sa likod ko at nakita ko pa din na nakaupo siya dun. Pero nakatingin siya sa kin. O Diyos ko po, wag ninyo po akong papabayaan dito. Tulungan ninyo po akong makalayo dito.

“Ikaw!” Joaquin tapos nakatayo na siya.

“A-ako?” Sus ko, baka lapitan ako nito at patayin.

“Hindi, yung nasa likod mo.” Joaquin

“AAAAHHHHH!!!” tumakbo ako papunta sa kanya. “Takot ako sa multo, pakiusap po, wag ninyo akong papatayin...”

 

“Papatayin na kita...” sabi ng isang boses na nakakatakot.

“AAAHHHHHH WAAAAGGGGGG POOOOO!!!” nakapikit na nga ako sa sobrang takot eh.

“Pfft... Haha!! Whahahahahaha!! Hahahahaha!! Ang epic!! Whooohh!!! Hahahahaha!”

Teka... nagmulat ako ng mata ko at pagkatapos tumingin ako sa lalaking nasa harap ko. At ang loko, tawa ng tawa. Pero na-realize ko, naka-wrap ang kamay niya sa waist ko. Tumakbo pala ako papunta sa kanya? INSTANT BLUSH ON MODE : ON.

“AAAAAHHHHHHH!!! MANYAAAAAAKKKKKK!!!”

 

“Hoy miss, ano bang sinasabi mo?” Joaquin

“Bitiwan mo ako... Bitiwan mo ako... BITIWAN MO AKO!!”

 

“Teka, eto na...” Binitiwan niya na ako. “Ano bang sinasabi mong manyak?”

 

“IKAW! MANYAK KA! MINAMANYAK MO AKO.”

 

“Ako? At sino naman ang minamanyak ko, ikaw? KAPAL MO! Ang pangit mo nga eh.” Joaquin

Text ClanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon