Chapter 11
Chichay’s POV
“Bakit ba ganyan ka ka-protektado kay Chichay ‘tol? Ano bang nararamdaman mo sa kanya?” rinig kong sabi ni Kats mula sa labas. Di ko kasama si Dae dito sa pakikinig, nandun kasi siya sa cr eh.
“Inuulit ko Joaquin, ano bang nararamdaman mo kay Chichay?” Kats
Teka, bakit ganito? Parang kinakabahan ako sa naririnig ko? Ano kaya ang isasagot ni Joaquin?
“Ewan ko ‘tol. Ang labo mo!” tapos parang naramdaman ko na papasok na sila.
Teka, saan ako pupunta? Mag-isip ka Chichay, saan ka pupunta? Tatakbo na sana ako nang bumukas na yung pinto at nauntog ako.
“Aray...” napaupo ako sa impact ng pagkakauntog ko.
“Chichay!” rinig kong sabi ni Joaquin tapos lumapit siya sa akin at inalalayan ako.
“Ayos ka lang ba?” Joaqy
“Ang sakit nga eh...” sabi ko habang nakahawak sa noo ko, yun kasi ang nauntog eh.
“Ano ba kasing ginagawa mo sa likod ng pinto?” Joaqy
“Uh... A-ano, w-wala...”
“Tss. Wag ka ngang careless. Mag-ingat ka na sa susunod.” Tapos bigla niya akong binuhat ng bridal style at ihiniga niya ako sa kama ko.
“Patingin nga kung may bukol.” Joaqy
Tinanggal ko naman yung kamay ko sa nauntog na part ng noo ko.
“Tss. Tingnan mo nga, pula na o!” Joaqy
“Paano ko naman makikita?”
Napakamot siya sa ulo niya. “Wag mo ng tingnan. Ikukuha lang kita ng ice bag.”
“Ako na lang Joaquin.” sabi ni Kats na nasa pinto na. Tumango na lang sa kanya si Joaquin tapos umalis na si Kats.
“Teka, anong nangyari sa’yo Chichay?” sabi ni Dae na kalalabas lang ng cr.
“Nauntog kasi siya eh.” Joaqy
“Wow, ikaw na pala si Chichay ngayon, Joaqy?”
“Pasalamat ka pa nga, ako na ang sumagot para sa iyo eh.” Joaqy
“O, eh di thank you po!”
“Kung nauntog ka, dapat pala ay lagyan mo yan ng cold compress. Wait lang, ikukuha kita.” Dae
“No, nakuha na si Kats.”
“Hmm... Okay. Hintayin na lang natin dito si bebu.” Dae
Maya-maya ay dumating na din si Kats tapos binigyan na niya ako ng ice bag. Inilagay ko sa noo ko yung ice bag tapos umupo na din ako sa bed. Umalis na din agad sila ni Dae at si Joaqy na lang ang natitirang kasama ko dito.
“Clumsy ka talaga...” Joaqy
“Alam ko naman yun eh, wag mo na lang ulitin please.”
“Pero kahit ganun, mnabhvacl kxiztla.” sabi niya, di ko lang naintindihan yung last part kasi binulong niya eh.
“Ano?”
BINABASA MO ANG
Text Clan
FanfictionTexting... Madalas na sa ating teenagers yan... Pero naranasan mo na bang masali sa isang text clan? Ano nga bang nangyayari dun? 'Aba ewan ko' ba ang sagot mo? Bakit di mo subukang pumasok dito? Isang text clan na sobrang gulo... Ang hirap malaman...