Chapter 7
Chichay’s POV
“Uy, saan ba talaga tayo pupunta?”
“Sa garden ng school.” Joaqy
“Bakit?”
“Tambay.” Joaqy
Hinila na niya ako papunta garden. Pagdating namin dun, pumunta kami sa isang malaking puno para sumilong sa shade. Ang init kaya. Then may napansin akong mga nagpi-picnic. Nuks! Picnic sa school? Then lahat silang nandun, couples. Bawat tingnan ko talaga, couples yung nandito. Teka, baka mapagkamalan kami ni Joaqy as couple.
“Uy, alis na tayo dito.”
“Bakit naman?” Joaqy
“Pansinin mo nga, couples lang yung nandito o!”
“Sus! Ayos lang yan. O, upo na!” then tinuro niya yung part na nilagyan niya ng latag. Teka, saan naman ‘to nakakuha ng panlatag?
Umupo na lang ako dun. Then ang ikinagulat ko, bigla siyang humiga at ginawang unan yung lap ko. Nilabas niya yung ipad niya tapos kung anu-ano ang kinalikot niya dun. Buti na lang, dala ko yung gamit ko kaya naman kinuha ko yung bag ko. Medyo mahirap lang kasi nga may nakaunan sa lap ko.
“Wag ka nga malikot!” Joaqy
“Wow! Ako pa ang malikot ha? Kung umaalis ka kaya sa lap ko?”
“Ayoko nga.” Joaqy
“Pwes, magtiis ka. Magiging malikot talaga ako.”
“Tss.” Bigla niya akong hinila pababa. I mean, yung kamay ko, hinila niya pababa kaya naman napasama yung mukha ko. Buti na lang, na-balance ko pa din ang sarili ko kundi... Nahalikan ko na yata ‘tong lalaking ‘to. Nakita ko naman siyang nag-smirk ang nagtanong...
“Gusto mo ng kiss?” Joaqy
“Kiss-kiss-in mo mukha mo.” Umayos na ako ng upo.
“Alam mo Chichay, ayos lang naman kahit lumikot ka dyan eh. Basta alam mo kung anong gagawin ko sa’yo.” Joaqy
“Ano?”
“Itutuloy ko yung ginawa ko kanina.” Joaqy
Napa-gulp na lang ako sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Baka naman nagbibiro lang. Pero, nag-smirk siya eh. Baka totohanin niya. Kasi di’ba pag nags-smirk, madalas ay may evil plan?
“O-oo na, di na ako lilikot.”
“Good.” Joaqy
Nailapit ko na naman kasi yung bag ko sa akin kaya kinuha ko na yung balak kong kunin dun nang hindi masyadong lumilikot. Then nilabas ko na siya at sinimulan ko nang basahin sa kung nasaan ang bookmark ko.
“Ano yan?” Joaqy
“Malamang, libro.”
“Nagbabasa ka pala?” Joaqy
“Siguro hindi, kaya nga may librong hawak eh.”
“Para kasing di ka marunong magbasa eh.” Joaqy
“Nang-aasar ka na naman ba?”
“A Night With You?” pag-iiba niya.
BINABASA MO ANG
Text Clan
FanfictionTexting... Madalas na sa ating teenagers yan... Pero naranasan mo na bang masali sa isang text clan? Ano nga bang nangyayari dun? 'Aba ewan ko' ba ang sagot mo? Bakit di mo subukang pumasok dito? Isang text clan na sobrang gulo... Ang hirap malaman...