Chapter 13
Joaquin’s POV
“Joaqy, may sinabi nga pala sa amin si Kats kanina...” Seth, habang nakain.
“Ano naman yun?”
“Tungkol sa kanya.” tapos may tinuro si Lester. Nakita ko si Chichay, masayang kumakain kasama nina Sarah.
“O, anong tungkol sa kanya?”
“Alam naman namin na may nararamdaman ka para kay Chichay, ‘tol.” JC
“Wala mga ‘tol.”
“Wag ka ngang TBKD dyan Joaquin! Kitang-kita ko kanina kung paano ka mag-alala kay Chichay.” Kats
Napakamot na lang ako sa ulo ko. Kulit din ng mga ‘to eh ‘no?
Natapos na kaming kumain lahat at ang sabi ni Aryana, staffs na daw ang bahala na mag-linis ng pinagkainan namin. Kaya naman itong si Kats, nagyaya na pumunta daw muna kami sa dalampasigan. Yung P5 lang daw. Yung iba, bahala na daw sa mga gusto nilang gawin.
“Kaya tayo nandito, kasi mag-uusap-usap tayo.” Kats
“Tungkol saan?”
“Tungkol sa’yo Joaqy.” Seth
“Sa akin na naman?”
“Magbabarkada tayo ‘tol. Magkakaibigan. At kilala ka na namin pag in love ka.” Lester
“Huh?”
“Umamin ka na kasi Joaqy... In love ka na kay Chichay, di’ba?”
“Bakit ninyo ba kasi tinatanong ‘to?”
“Kasi gusto naming malaman kung ano talaga yung nararamdaman mo.” Kats
“O tapos? Anong gagawin ninyo?”
“Eh di tutulungan ka naming manligaw.” Seth
“Ligaw?”
“Para naman magka-girlfriend ka na ulit ‘tol.” Lester
“Nagsalita ang may girlfriend o!”
“Sasagutin din yan ni Mae. Basta sa ngayon, gusto ka naming tulungan ‘tol. Kaibigan ka naman kasi namin eh.” JC
Huminga ako ng malalim...
“O sige, ano bang gagawin natin?”
“Teka, ibig sabihin ba nito...” Kats
“Inaamin mo na...” Seth
“May gusto ka nga kay Chichay...” Lester
“At liligawan mo siya?” JC
“Oo na, may gusto nga ako kay Chichay kaya nga liligawan ko na eh.”
Chichay’s POV
Nandito lang ako sa kwarto namin, nag-iisa. Nasan na ba kasi yung Joaquin Manansala na yun?
“Bes...” Sarah
“Hmm?”
“Di ka pa tulog?” tanong niya mula sa pinto.
BINABASA MO ANG
Text Clan
FanfictionTexting... Madalas na sa ating teenagers yan... Pero naranasan mo na bang masali sa isang text clan? Ano nga bang nangyayari dun? 'Aba ewan ko' ba ang sagot mo? Bakit di mo subukang pumasok dito? Isang text clan na sobrang gulo... Ang hirap malaman...