Chapter 8
Chichay’s POV
Nandito ako ngayon sa Child Haus. Kasama ko si Sarah dito. Balak kasi naming tumulong sa kanila kaya naman pumunta kami dito.
“Hello mga bata!”
“Ate Chichay! Ate Sarah!” sabi nila sa akin.
“Mga bata, nandito ulit sina ate Chichay at ate Sarah para makipaglaro sa inyo. Kaya behave kayo ha!” Tita Myrna
“Opo.” mga bata
Umalis na si Tita Myrna. Siya yung nag-aalaga sa mga bata dito.
“Anong gusto ninyong laruin natin?”
Sinabi na nila yung mga gusto nilang laruin. Hanggang sa nagpagod na kami sa kakalaro. Bigla namang lumapit sa akin si Elisa, isa siyang bulag.
“Elisa...”
“Ate Chichay...” Elisa
“Halika dito.” tapos inalalayan ko siya para makaupo sa upuan sa tabi ko.
“Ate, buti naman po at bumalik kayo dito. At nagsama pa po kayo.” Elisa
“Ah, oo. Siya si ate Sarah. Kaibigan ko siya.”
“Hi po ate Sarah!” Elisa
“Hi Elisa!” Sarah
“Ate, pwede po bang hawakan ko ang mukha ninyo?” Elisa
Napatingin na lang sa akin si Sarah. Para bang nagtatanong siya sa akin ng bakit? Tumango na lang ako sa kanya na parang sinasabi ko na ayos lang yun.
“O-o sige...” Sarah
Hinawakan na ni Elisa ang mukha niya. Para bang tine-trace nito ang buong mukha ni Sarah.
“Maganda po pala kayo ate Sarah. Tulad po kayo ni ate Chichay, maganda din.” Elisa
“T-talaga?” Sarah
“Opo.” Elisa
“Paano mo naman nasabi?” Sarah
“Sa mukha ninyo po.” Elisa
“Nakikita mo ako?” Sarah
“Hindi po, nahawakan ko po.” Elisa
“Ah, oo nga pala.” Sarah
May talent kasi si Elisa tungkol sa mga ganyan. Nalalaman niya kahit di niya nakikita, basta mahawakan niya.
1 message received
From : Joaqy Pangit
Gandang umaga mga bregss! Sana, maganda din umaga ninyo! Nga pala, bisitahin ko yung anak ko, wag muna kayong pumunta sa bahay.
Gm
Teka, may anak na si Joaquin?
“May anak na si Joaquin?” tanong ko kay Sarah.
“Ewan. Nabasa ko rin yung gm niya eh.” Sarah
“Sa bata niyang yun, may anak na siya?”
BINABASA MO ANG
Text Clan
FanfictionTexting... Madalas na sa ating teenagers yan... Pero naranasan mo na bang masali sa isang text clan? Ano nga bang nangyayari dun? 'Aba ewan ko' ba ang sagot mo? Bakit di mo subukang pumasok dito? Isang text clan na sobrang gulo... Ang hirap malaman...