Chapter 19

930 21 3
                                    

Chapter 19

Joaquin’s POV

~ ~ ~ ~ ~ flashback  ~ ~ ~ ~ ~

Natulog na kami ni Chichay. Pero 1:30 AM, gumising na din agad ako. Pumunta ako sa kwarto ni Winston at sa kwarto ni Britney. Ang hirap ng dalawang ‘to, magkahiwalay pa ng kwarto.

“Ano ba kailangan mo ha Joaquin?” Britney, halatang antok pa.

“Di’ba kayo yung assign sa mga pick-up lines?”

“Oo, kami nga. Bakit ba?” Winston

“Isusulat ko na yung mga pick-up lines.”

“Ah... Kailangan mo ng tulong namin sa pag-isip?” Britney

“Siguro, kakailanganin ko nga. Tara dun sa lobby, dun tayo maggawa.”

Naglakad na kami papunta sa lobby. Umupo ako sa isang sofa dun tapos ang dalawa, dun din sa dalawa pang sofa. Nag-iisip pa ako at isinusulat ko pa lang sa scratch paper yung mga lines nang mapansin ko na tulog na pala ‘tong dalawa. Di ko na lang inabala at pinagpatuloy ko ang pag-iisip. Mga 2:07 AM na nung naisipan kong ilipat yung mga naisip ko sa papel.

Pagkatapos kong magsulat, sinabi ko na sa dalawa na matulog na ulit sila. Grabe ‘tong mga ‘to, akala ko, tutulong sa akin pero tinulugan lang ako eh. Siguro ay 2:36 AM na nung pumunta naman ako kay Sarah. Alam niya na din yung tungkol sa plano, sinabi na daw ni Camille sa kanya bago sila matulog.

“Bakit ba nang-iistorbo ka ng tulog?” Sarah

“Kailangan ko ng tulong mo.”

“Ano bang kailangan mo ha?” Sarah

“Kailangan ko kasi ng pictures ni Chichay eh.”

“O? Kailangan mo? Bakit di mo na lang siya picture-an? Tutal naman magkasama kayo sa iisang kwarto eh.” Sarah

“Hindi... Kailangan ko, yung picture niya nung bata pa lang siya.”

“Eh bakit ka sa akin nahingi ng picture niya? Ako ba ang nanay?” Sarah

“Sarah, alam kong meron kang picture niya. Ikaw ang bestfriend niya.”

“Tss. Ilan ba kasi ang kailangan mo?” Sarah

“Kailangan ko ng marami. Kung pwede, lahat ng meron ka para makapamili ako.”

“Teka...” kinuha niya yung phone niya at may tinawagan.

“Hello po... Yaya Tesya... Hindi po, nag-eenjoy nga po ako dito eh... May favor po sana kasi akong hihilingin sa inyo... Nakita ninyo po ba yung boxes na nasa kwarto ko? Yung mga nandun po sa cabinet. Pakibukas na lang po para makita ninyo... Mga pictures ko po kasi yun with Chichay. Eh, pwede po bang ipadala ninyo dito?... Opo... Yaya, two hours lang naman ang byahe eh. Pakidala na lang po kay Manong Quito, please... Bukas na po... Opo yaya, madalian po kasi. Kaya po sana, ipadala ninyo na. Please na po yaya... Yehey! Thank you po yaya! I love you! Mwah! Mwah!... Sorry nga po pala sa abala yaya... Bye po! Thank you po ulit!” tapos ibinaba na niya yung tawag.

“O yan, ayos na. Dadalhin na daw dito ni Manong Quito.” Sarah

“Kailan ko makukuha?”

“Basta makukuha mo yun bago magmamaya.” Sarah

“Sige ha, asahan ko yan.”

Text ClanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon