Chapter 18
Chichay’s POV
Nagsasayaw lang kami ni Joaquin sa ilalim ng stars.
“I guess this is the right time for me to say thank you.”
Ngumiti lang sa akin si Joaquin.
“Thank you Joaqy... Thank you for doing this.”
“Hindi pa ako tapos.” Joaqy
“Huh?”
“Tumingin ka sa taas.” Joaqy
Tumingin naman ako sa taas.
“Anong nakikita mo?” Joaqy
“Ang langit... Kaso, kakaunti lang yung stars eh. Pero at least, may mga stars...”
“Yun lang ang nakikita mo?” Joaqy
Tumingin ako sa kanya, “May iba pa ba?”
Ngumiti ulit siya sa akin. Tapos may narinig akong biglang pumutok. Napatingin ako sa taas at merong mga fireworks. Then may nakita akong mga sky lanterns na isa-isang nalipad. Pagtingin ko sa paligid, nakita ko ang MUTC, nakangiti sa amin.
“Chichay, may gusto pa akong ipakita sa’yo.” Joaqy
“O sige.”
Hinawakan niya ang kamay ko at umakyat kami sa isang lugar. Doon ko nalaman na part pala yun ng resort. Nakadating na kami sa mataas na lugar sa resort. Then bigla niyang tinakpan ang mata ko.
“Wait lang ha, kailangan pang i-ready eh.” Joaqy
After few minutes, tinanggal na niya yung takip ng mata ko. Then inakay niya ako papunta dun sa edge ng place. Humawak kami sa rail.
“Tingin ka sa baba.” Joaqy
Tumingin ako sa baba at nakita ko yung pool ng resort. Tapos may nakita akong floating candles doon at may binubuo ang mga ito.
“Can I court you?” pagbasa ko sa nakalagay.
“Chichay...” napatingin ako kay Joaqy. Bigla siyang lumuhod. “Can I court you?”
“J-Joaqy, tumayo ka nga dyan.”
“Di ako tatayo hangga’t di mo ako sinasagot.” Joaqy
“Liligawan mo talaga ako?”
“Oo naman.” Joaqy
“Seryoso ka ba sa sinasabi mo?”
“Seryosong-seryoso po.” Joaqy
“Tumayo ka na nga.”
“Pero...” Joaqy
“Isa!”
Tumayo na siya sa pagkakaluhod niya. Ako naman, niyakap ko siya.
“Chichay...” Joaqy
“Pumapayag na ako.”
“Pwede na kitang ligawan?” Joaqy
“Oo...”
“Yes!” tapos bigla niya akong binuhat.
“Uy Joaqy, ibaba mo nga ako!”
BINABASA MO ANG
Text Clan
FanfictionTexting... Madalas na sa ating teenagers yan... Pero naranasan mo na bang masali sa isang text clan? Ano nga bang nangyayari dun? 'Aba ewan ko' ba ang sagot mo? Bakit di mo subukang pumasok dito? Isang text clan na sobrang gulo... Ang hirap malaman...