Chapter 6

2.4K 26 5
                                    

Chapter 6

Chichay’s POV

Good morning sunshine! Ang sarap naman ng tulog ko. Kaso syempre, minsan talaga ay may mga bangungot. Biruin ninyo, hinabol daw ako ng MULTO. Pero alam ninyo ba, may nagligtas daw sa akin. Yung prince charming ko. Kaso, di ko nakita yung mukha niya eh. Sayang!

Bumangon na ako sa kama ko tapos nakita ko na yung unan at kumot, nakalagay dun sa may end ng bed ko. And naalala ko, dito nga pala natulog si Joaquin. Teka, speaking of, nasan na kaya yung kumag na yun?

Lumabas na ako ng kwarto tapos bumaba na ako papunta sa sala.

“Paabot ng mantika! ... Thank you! Ay nga pala, yung bawang, ayos na? ... Good! Saka ko na lang isasangang yung kanin after ko dito.”

Teka, sino naman kaya ang kausap ng magaling kong pinsan? Nandun siya sa kusina eh. Hmm... Bacon. Nagluluto siya ng bacon? Eh bakit may kausap? Kinakausap niya ba yung bacon?

“Juls, sino bang kausap m-... Teka...”

“Uy, gising ka na pala. Patapos na akong magluto o. Kain na tayo pagkatapos.” Julia

“Teka, siya ba yung kausap mo?” sabay turo ko kay Joaqy.

“Ah, oo, siya yung kausap ko, si ano... Anong pangalan mo ulit?”  Julia

“Joaquin.” Joaqy

“Ah, oo nga, Joaquin. Yan, si Joaquin ang kausap ko. Bakit?” Julia

“Uhm, wala naman...”

“Okay... I’m done, hain na tayo.” Julia

Tumulong ako sa paghain ng pagkain. Tapos umupo na din kami. Nakakapagtaka lang, magkakilala na agad ‘tong dalawang ‘to? As in, parang ganun ganun lang?

Nagsimula na kaming kumain. Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ko nang magsalita si Julia.

“So boyfriend mo ‘tong si Joaquin?” Julia

Bigla naman akong nabilaukan sa narinig ko. Agad akong inabutan ni Joaquin ng tubig tapos ininom ko na yun.

“Ano, ayos ka lang?” Joaquin

“Uh, oo naman...”

“So kayo nga?” Julia

“Juls, anong klaseng tanong naman yan?”

“Nagtatanong lang eh. So, hindi kayo?” Julia

“Hindi. Tanong mo pa kay Joaquin.”

“Joaquin...” Julia

“Oo nga, di kami. Kanina ko pa sinasabi sa’yo di’ba?” Joaquin

“Tss. Kasi naman...” Julia

“Teka nga, bakit parang close na agad kayo? Magkakilala na ba kayo dati pa?”

“Ha? Hindi ah.” Julia

“Oo nga, di ako nakikipagkaibigan sa pangit.” Joaquin

“WOW! Nagsalita ang gwapo o!” Julia

“At least ako, gwapo talaga ako.” Joaquin

“Grabe! Tinay, di ka ba hinahangin dyan? Baka matangay ka. Ang lakas ng hangin eh o!” Julia

“So kahanginan na pala yun? Masama bang magsabi ng totoo ha?” Joaquin

Text ClanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon