Chapter 12
Joaquin’s POV
Dala ko pa din yung juice namin at ibibigay ko na sana kay Chichay yung kanya nang makita ko na naglalakad na siya palayo. Kaya naman ang ginawa ko, sinundan ko siya.
“Chichay, juice mo o!”
“Di ako uhaw!” sabi niya sa akin at mas binilisan niya ang lakad niya. Hinabol ko naman ulit siya. Tumigil naman siya sa paglakad.
“Hey, nabili ko na ‘to. Kunin mo na!”
“Eh di inumin mo!” Chichay
“Meron akong akin o!”
“Inumin mo pareho, problema ba yun?!” Chichay
Lalakad na sana ulit siya pero pinigilan ko siya. “Teka nga, bakit ba parang high blood ka ngayon?”
“Wala akong high blood ‘no!” Chichay
“O, eh bakit ang init ng ulo mo?”
“Hindi mainit ang ulo ko!” Chichay
“Chichay, ang init kaya ng ulo mo.”
“Bahala ka sa buhay mo!” tapos naglakad na ulit siya.
Sinundan ko ulit siya.
“Chi-...”
“Ano ba?! Ang kulit mo!” sinigawan na niya ako.
“Chichay...”
“Alam mo Joaquin, kung mambababae ka lang din, dun sa tago! Hindi yung harap-harapan, nambababae ka!” sigaw niya. Hmm? Nambababae? Teka nga, nagseselos ba ‘to?
“Nagseselos ka ba?”
“At sinong may sabi sa’yo? Kapal mo din naman ‘no?!” Chichay
Tapos napansin ko, pinagtitinginan na kami ng mga tao.
“Uh, pasensya na po sa girlfriend ko. Sige po, pasensya na po sa abala.” Tapos inakbayan ko na si Chichay.
Bigla naman akong siniko ni Chichay, at sinabing... “Di mo ako girlfriend ‘no!”
“Babe, wag naman tayong gumawa ng eksena dito.”
“Ano ba?! Wag mo akong tatawaging babe kasi hindi ako baboy! At isa pa, di mo ako girlfriend!” Chichay
“Kuya, pahawak nga muna...” binigay ko sa lalaking dumaan yung dalawa kong juice.
“Chichay!”
“Ano?!” sigaw niya sa akin.
“Gagawin ko lahat ng gusto mo, sabihin mo lang.”
“Lahat?” Chichay
“Oo.”
“Kahit na ibababa mo ang pride mo?” Chichay
“Oo naman.”
“Lumuhod ka sa harap ko! Ang gusto ko, kitang-kita ng lahat ng tao dito. Pag ginawa mo yun, baka sakaling mapatawad kita. Baka sakali.” Chichay
“C-Chichay...”
“Ano? Di mo kaya?” lalakad na sana ulit siya pero...
BINABASA MO ANG
Text Clan
FanfictionTexting... Madalas na sa ating teenagers yan... Pero naranasan mo na bang masali sa isang text clan? Ano nga bang nangyayari dun? 'Aba ewan ko' ba ang sagot mo? Bakit di mo subukang pumasok dito? Isang text clan na sobrang gulo... Ang hirap malaman...