Chapter 21

534 9 1
                                    

Chapter 21

Chichay’s POV

This is the day. Ito na talaga yung araw na yun. Date na namin ni Joaquin. Although, may kailangan muna kaming lampasan. Ang bantay ng aming mahal na officer na si Kats. Napag-usapan kasi namin ni Joaqy na tatakas kami sa barkada. Babalik na lang kami before 6:00 ng gabi. Yun kasi yung time ng pagbalik namin sa Manila eh.

Ayos na kami ni Joaqy. Lumabas na kami ng kwarto namin. Parang nag-sneak out lang ah. Dahan-dahan lang kami habang naglalakad sa labas ng mga kwarto ng MUTC, baka kasi mahuli kami eh. Patuloy lang kami sa pag-sneak out nang...

“Saan kayo pupunta?”

Napaayos agad kami ni Joaqy ng tayo. Tapos napatingin kami sa nagsalita... Patay... Si Kats pa.

“Uh, pare, ano... Sa lobby lang.” Joaqy

“Anong gagawin ninyo dun? Di’ba ang usapan ay dadaanan na lang namin kayo sa bawat rooms.” Kats

“Magpapahangin lang kami.” Joaqy

“Sure kayong wala kayong ibang pupuntahan?” Kats

“Oo naman Kats. Dun lang kami.”

 

“Hindi kayo pupuntang date?” Kats

“Uhm, hindi.”

 

“Wala kayong balak na tumakas?” Kats

“Pare naman...” Joaqy

“Hindi pwede.” Kats

“Kats!”

 

“I’m sorry but I can’t let the two of you. May lakad tayo ngayon, di pwedeng hindi kayo sumama. Magkakasama dapat tayong MUTC.” Kats

“Pare, ngayon lang naman eh.” Joaqy

“Sorry Joaqy pero di talaga pwede.” Kats

Hinawakan naman bigla ni Joaqy ang kamay ko. Napatingin naman ako sa kanya at nakatingin lang siya kay Kats. Then medyo hinila niya ang kamay ko na para bang sinasabi na magkasama-tayo. Nakita ko na lang na iniatras niya yung isa niyang paa at bigla tumakbo. Kaya yun, nadala niya ako sa pagtakbo niya.

Tumakbo kami sa opposite direction kung nasaan si Kats. Kaso nga lang, di pa nakakatakbo, sinalubong naman kami nina Les.

“Les?” Joaqy

“Sorry pare, sabi ni Kats eh.” Les

Text ClanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon