Chapter 10
Chichay’s POV
Nandito na kami sa resort nina Yana. At alam ninyo ba, sobrang ganda dito! Hindi ko alam na may ganitong place pala dito sa Batangas.
“Bes, dun tayo dali!” sabi sa akin ni Sarah.
“Uh, paano yung bagahe natin bes?”
Although nandito na yung bagahe namin, di naman namin madadala kasi medyo mabigat.
“Oo nga pala.” Sarah
“O, nandito na ako!” sabi ni Katsumi. Tapos, dala na niya yung susi ng mga rooms.
“Kami magkasama ni bes!”
“Huh? Sinong may sabi sa’yo? Si Katsumi yan Chichay, siguradong may pakulo yan.” Joaqy
“Tama ka Joaqy! Meron kasi akong naisip eh!” Kats
“Ano?”
“Thirteen rooms ang meron tayo. Twenty-six tayong nandito. Ganito ang naisip ko. Bawat isa sa atin, bubunot ng number. Ang magkaparehong number, sila ang magkasama. Paswertehan na lang tayo guys!” Kats
Bumunot na kami ng numbers namin. Then sabay-sabay naming binuksan yung papers.
“Sinong 25 dyan?” Kats
“Bebu, ako!” Dae
“Bebu! Yes! Magkasama tayo!” Kats
“Kami ni Lui ang magkasama!” Jeric
Tapos lahat-lahat na sila, kasama na ang partner nila.
“Bes, anong number mo?”
“22 bes, ikaw ba?” Sarah
“26 eh, di pala tayo magkasama.”
“Ako, 22 ako... Ikaw pala kasama ko Sarah!” sabi ni Camille.
“Uy Camille!” Sarah
Okay, di ako ang kasama ni bes sa room. Eh sinong kasama ko?
“Okay, sino pa ang walang partner?” Kats
“Si Mae!” Lester
“O, baka naman kayo ang magkasama!” Kats
“24 ako, ikaw ba Chichay?” Mae
“26 ako eh.”
“Teka, yun pa pala sina Anikka at Joaquin o!” Mae
“Sorry guys, nawala kami. Nagpasama lang ako kay Joaquin na kunin yung mga gamit ko eh.” Anikka
“Dapat, sa akin ka na lang nagpasama.” Seth
“Sorry, busy ka kasi sa pakikipag-usap kay Lester eh.” Anikka
“Ah... Sorry.” Seth
“Nga pala, sinong number 26 sa inyo? At ang 24? Walang kasama si Mae at Chichay o!” Kats
Sana po, sana 26 si Anikka! Please po, sana 26 si Anikka! Ayaw ko lang talagang kasama ‘tong si Joaquin... Please po, 26 si Anikka.
“Ako!” Anikka
Teka, ano bang unang tinanong, 26 di’ba? Ibig sabihin, sa 26 ay si Anikka! Yes!
BINABASA MO ANG
Text Clan
FanfictionTexting... Madalas na sa ating teenagers yan... Pero naranasan mo na bang masali sa isang text clan? Ano nga bang nangyayari dun? 'Aba ewan ko' ba ang sagot mo? Bakit di mo subukang pumasok dito? Isang text clan na sobrang gulo... Ang hirap malaman...