Chapter 16
Chichay’s POV
“Hi! Kamusta ang adventures mo?” Britney
“Loka! Tanungin pa ba naman ako ng ganun. Eh di syempre po, nakakapagod.”
“Napagod ka?” Winston
“Oo naman. Di naman kasi ako si wonderwoman para di mapagod eh. Si Chichay lang ako ‘no.”
“Eh kung napagod ka, dapat pala mag-rest ka muna.” Britney
“Meditate ka na lang kaya para ma-relax ka.” Winston
“Huh? Anong gagawin ko?”
“Bingi lang ‘teh? Meditate nga eh.” Britney
“Eh paano ako magme-meditate dito?”
“Tuturuan ka namin. Just follow our instructions.” Winston
Binigyan nila ako ng panlatag tapos nilatag ko na yun. Then pinaupo nila ako doon.
“Feeling comfortable?” Britney
“Uhuh!”
“Close your eyes.” Winston
Ipinikit ko na ang mata ko.
“Now try relaxing. Breath in... Breath out. Breath in... Breath out.” Winston
Ginawa ko naman ang sinasabi niya.
“While relaxing, try remembering all your problems and worries. And slowly, forget about all of it. Don’t think too much, just relax. Forget your problems, forget your worries... Try finding a peaceful place only for you.” Britney
Problems and worries? I think, meron ako nito... But all these worries is because of one person only... Joaqy... Hindi pa rin maalis sa akin ang dalawang tanong na di ko malaman-laman ang sagot. Una, ano ba talaga ang nararamdaman ko sa kanya? At pangalawa, ano bang nararamdaman niya sa akin? Dahil sa dalawang tanong na ‘to, marami pang tanong ang pumapasok sa isip ko. Pero ang gusto ko talagang malaman muna ay kung sino talaga si Joaquin Manansala para sa akin.
“Chichay, relax lang. Forget about your problems, and worries.” Winston
Tama... Di ako makakapag-meditate pag di ako magre-relax at di buburahin ang lahat ng tanong sa isip ko. Chichay, relax ka lang.
After 5 minutes...
“Relaxed ka na ba Chichay?” Britney
“Oo.”
“Good! Now, you may open your eyes.” Winston
“Slowly lang dapat.” Britney
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. At pagmulat ko, nakakita ako ng dalawang bear sa harap mismo ng mukha ko. Ibinaba yun ni Britney at Winston at sumigaw sila ng...
“Surprise!” sabi nila.
Tiningnan ko ang paligid at merong mga yellow petals sa baba. Tapos na-realize ko na heart shape pala yung binubuo nun. Tapos may mga stand din sa iba’t ibang parts ng heart, tapos pag tumingin ka sa taas, may mga nakasabit sa mga iyon. Yung stand, sila yung gumawa ng framework para pagsabitan ng mga sinulid or tali. Kanina naman, wala ang mga ‘to dito ah... Siguro, ginawa nila ‘to habang nagme-meditate ako... Ang galing lang kasi wala akong ingay na narinig.
BINABASA MO ANG
Text Clan
FanfictionTexting... Madalas na sa ating teenagers yan... Pero naranasan mo na bang masali sa isang text clan? Ano nga bang nangyayari dun? 'Aba ewan ko' ba ang sagot mo? Bakit di mo subukang pumasok dito? Isang text clan na sobrang gulo... Ang hirap malaman...