6. Langit

34 2 0
                                    

Itinaas ko ang aking kanang kamay
Sa direksyon ng langit...

Napakaganda nitong titigan
Pagkat parang
Konti na lang ay maaabot ko na
Ang langit.

Ngunit habang inilalahad ko
Ang aking kamay upang abutin ito,
Ninanais na sana sa tabi ko
Ikaw ay nakatayo.

Sabay tayong nangarap ng ganito,
Abutin ang langit na magkasama tayo.
Ngunit ako nga'y iniwan mo,
At ang pangarap natin literal na tinupad mo.

Kaya ngayong kamay' nakalahad sa langit,
Sana pangalan ko'y iyong sinasambit
Sana mga ngiti mo'y hindi na mapait.

Mahal ko, kumusta ka na riyan sa langit?

Quondam Solace 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon