Yakap.
Ito ang huli mong iniwan sa akin
Kasabay ng iyong matamlay na pagngiti,
At ang iyong pagtalikod sa akin
Na may pangakong ako'y babalikan
Pagkat ako'y mananatili sa iyong puso't-isipan.Oras.
Ginugol ko ito sa paghihintay sa'yo.
Sa bawat bagay na nakikita ko, ikaw ang naaalala ko.
Sa bawat galaw na ginagawa ko, ikaw ang gusto kong makasama na nasa tabi ko.
Sa bawat kantang pinapakinggan ko, ikaw ang laman ng mga liriko.
Kaya mahal, huwag mo sanang sasabihing ni minsan ay nawala ka sa isip at puso ko.Araw.
Sa bawat araw na lumilipas,
Mula sa pagsikat nito sa umaga hanggang sa paglubog nito sa dapit-hapon,
Hinihiling ko at patuloy kong hihilingin
Na sana magkita na tayo,
Na kahit sa kaunting oras lang
Ikaw ay masilayan, mayakap, at mahagkan.At sa pagkakataong ito, nakatingin ako sa paglubog ng araw,
Unti-unti nang nagbabago ang kulay ng ulap sa paligid nito,
At unti-unti na ring naglalaho ang bawat parte nito.
Hindi ko alam kung bakit ganito
Pero habang papalubog ito
Nagiging Malabo na rin ito.
Nakaramdam ako ng tubig sa kamay ko,
Tumingala sa kalangitan ngunit wala namang ulan
Kaya hinawakan ko ang pisngi ko,
At mahal...
...
...
Ayoko ng ganitoPero umiiyak ako.
At sa bawat patak ng luha ko
Ay ang unti-unting paglaho ng natitirang pag-asa sa puso ko.Mahal...
Alam kong nasabi ko sa iyo
Na gustong-gusto ko ang paglubog ng araw...
Pero huwag mo sanang ihalintulad ito
Sa puso kong umaasa sayo...Mahal...
Hindi ito ang ibig kong sabihin sa'yo...Mahal...
Magtatakip-silim na...Mahal...
Nasaan ka na ba?Mahal...
Paki-usap...
Bumalik ka na.
BINABASA MO ANG
Quondam Solace 1
PoesiaThis is a collection of 300 poems written from January 2016-January 2017. Languages used are English and Filipino. It is basically a reflection of the authors life, experiences, observations, and imaginations. Discover why I called this a 'Quondam S...