Hawakan mo ang aking kamay,
Sabihing ako'y may karamay,
Sabihing tayo ay di na maghihiwalay.
Hawakan mo ang aking kamay
Higpitan at hayaang mga balat
Sa isa't-isa'y dumantay
Sabihing tayo'y gaya ng mga ulap,
Magkasama sa bawat hirap.
Hawakan mo ang aking kamay
Hayaang tayo'y maging
Mga maliliwanag na ulap
Na kahit minsan lang sa ating paglalakbay
Lalabanan natin ang mga itim na ulap.
BINABASA MO ANG
Quondam Solace 1
PoetryThis is a collection of 300 poems written from January 2016-January 2017. Languages used are English and Filipino. It is basically a reflection of the authors life, experiences, observations, and imaginations. Discover why I called this a 'Quondam S...
