May mga bagay talaga
Na mangyayari ng di inaasahan.
Tulad nung makita kita kanina sa daan,
Sinusubukan kong siguraduhing ikaw
Talaga yan,
Nagdadalawang-isip pa kung anong dapat gawin.
Napagdesisyonang ika'y ngitian
Pero bigla kang ngumiti
At kumaway sa akin.
Kumakaway na rin pala ako sa'yo
Ng di namamalayan.Hindi ko inakalang ang iilang segundo
Na ikaw ay nakita ko
Ang sayang nagdulot ng ngiti sa mga labi ko
Na siyang iisipin ko buong magdamag
At sa tingin ko'y hanggang bukas...
Narito.
BINABASA MO ANG
Quondam Solace 1
PoesíaThis is a collection of 300 poems written from January 2016-January 2017. Languages used are English and Filipino. It is basically a reflection of the authors life, experiences, observations, and imaginations. Discover why I called this a 'Quondam S...