50. Mga Isipin sa SM-Baguio

9 1 0
                                    


Maraming gumugulo sa aking isipan
nung araw na iyon.
Maraming "paano kaya kung" at "bakit kaya ganoon"
Ang tumatakbo sa isipan noon.

Hindi na alam kung anong gagawin
Tumayo ako sa likod ng bakal na bakod
sa lugar na iyon
Matayog, mataas ang palapag kung nasaan ako.

Napatingin ako sa malayo...
at sa tingin ko'y masaya roon,
Kaya't naisipan kong tumalon,
Lumipad papunta roon.

Pero napatingin ako sa bandang ibaba,
Nakita ko yong mga taong masaya,
Nakita ko 'yong iba na may lungkot din sa mga mata,
Pero patuloy silang lumalaban,
sumusugal para sa inaasam na kaligayahan.

Binawi ko ang aking kaliwang paa.
Napaupo at nanlumo sa maling desisyong
muntik nang isagawa.
Iniisip ko ang mga taong sa akin pa rin ay naniniwala,
Umaasang ako'y lalaban pa.

Tama, nadapa ako't nasaktan
Umiyak ako, sarili ay sinisi, at ito'y aking kinamuhian
Ngunit hindi roon-iyon ang sukatan
ng aking pagkatao sa kabuoan.

Oo, mali ang aking nagawa.
Oo, nasaktan tayong dalawa
Oo, hindi na iyon maibabalik pa.

Pero hindi...
Hindi ito ang sa buhay ko'y sisira.

"Normal lang na mangyari ito sa ating buhay," sabi nga nila.
Tama nga naman sila.

Mararamdaman natin ito hindi para tayo'y masira,
Mararamdaman natin ito para ang salitang "tayo" ay mapagtibay pa.

Quondam Solace 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon