53. Ikaw ang bawat Tag-ulan ko

14 2 0
                                        

Umuulan na naman.
Oo, tag-ulan na naman.
Siguro…alam mo na kung sino ang naaalala ko.
Oo, di ka nagkakamali…
Ikaw at hindi ko iyon maikukubli.

Sa totoo lang…
Nagtataka ako ng lubos.
Hindi naman tag-ulan
Nung tayo ay nagsimula…
(Ay! Wala nga pala tayong sinimulan.)

Pero sa totoo lang…
Hindi naman tag-ulan
Nung una tayong magkakilala.
Hindi rin naman tag-ulan
Nung sabihin ko sayong mahal kita, sinta.

At lalong hindi tag-ulan
Nung sinabi mong mahal mo rin ako
Ngunit wala nang pag-asa
Ang maging tayo.

Hindi rin tag-ulan nung niyakap mo ako
Sa kahuli-huliang pagkakataon.
Kaya…bakit ikaw ang naaalala
Sa tuwing papatak ang ulan?

Quondam Solace 1Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon