Hayaan mong lumapag
Ang iyong mga paa
Sa malamig na tubig ng ilog.
Hayaan mong maramdaman nito
Ang lamig ng umagang mahamog.
Hayaan mong ang mga bato
At mga maliliit na insekto
Ang siyang magparamdam sa'yo
Kung gaano kalamig
Ngunit nakakakuntento
Ang panandaliang
Paglagay mo ng paa mo
Sa kasiyahan ng tubig
Na patuloy sa pag-agos.Hayaan mong ang iyong mga paa
Ang magsabi ng iyong nadarama.
Hindi sa lahat ng pagkakataon
Ang iyong nadarama
Ay puso ang magdidikta.
Oo nga't puso ang patunay
Na ikaw pa'y buhay...
Ngunit, may mga parte
Ang iyong katawan...
Na maaaring magsabi sa'yo
Kung gaano kasaya ang mabuhay...
May magsasabi sa'yo
Kung paano ka maaaring mamuhay...
BINABASA MO ANG
Quondam Solace 1
PoetryThis is a collection of 300 poems written from January 2016-January 2017. Languages used are English and Filipino. It is basically a reflection of the authors life, experiences, observations, and imaginations. Discover why I called this a 'Quondam S...