Lumalakas na naman ang patak ng ulan,
Pati ihip ng hangi'y tila walang hanggan.
Tag-ulan na naman.
Oo, dumating na naman ang panahon kung kailan magsisiksikan ang mga estudyante, na walang dalang payong, sa gate para lang may pansamantalang masilungan.
Dumating na naman 'yong panahon kung kailan kape ang solusyon sa malamig na maulang hapon.
Oo, dumating na naman 'yong panahon
Na sa bawat patak ng ulan
Ala-ala ng ating kahapon
Ang siyang tumatakbo sa isipan.
BINABASA MO ANG
Quondam Solace 1
PoetryThis is a collection of 300 poems written from January 2016-January 2017. Languages used are English and Filipino. It is basically a reflection of the authors life, experiences, observations, and imaginations. Discover why I called this a 'Quondam S...
