**Jessie's POV**
Para sa'kin, dream come true ang makapasok sa Bradford University. Mula nung bata pa ako, nakikita ko yung mga college girls na dumadaan sa bahay namin. Ang cute ng uniform nila! They are wearing a standard white tops, 2 inches above the knee na grey skirt, knee high black stockings with neck tie pa na same color ng skirt, o diba bongga! Pero may bali-balitang papalitan daw nila yung uniform. Pero bago mapalitan yun, at least maexperience ko naman, diba!?
50% off ako sa school na 'to as part of my being salutatorian nung graduation ng high school. Scholarship chuva daw ni governor, eh. At least may pinatutunguhan ang budget nila in case sa pork barrel hinugot (bawal ang pork)!!! >.<
First day of school, yikes! Nervousness *>.<*
Wow, well budgeted ang first day of school! May tarp pa sa gate na ang nakalagay ay "Welcome Freshmen".
May mga nagbibigay ng fliers sa gate tungkol sa kanya-kanyang clubs na pwedeng salihan. Merong Glee Club, Math Geeks, Filipino Club, but what caught my attention eh yung Drama club! I love writing! Sinalubong ako ng isang babaeng mula sa Drama Club booth.
"Hi, freshmen ka?" tanong nya sa nakangangang ako dahil amazing naman talaga etong school na 'to noh! Well landscaped ang entrance, maganda yung school ground. Hindi basta-bastang makakapasok kung walang background ang pamilya mo sa politics, business tycoon, showbiz mga kachurvahan eklabush! Basta in short, hindi basta-basta ang pamilya ng mga nakakapasok. Buti nalang natulungan ako ni Governor na makapasok dito.
"A-ah, opo, opo. Freshmen po ako!" excited kong inabot yung kanang kamay nya para makipag-shake hands. Haha, natulala si ate sa akin oh! Di naman kasi talaga sya nakikipagkamay eh.
"A-ah, hi, ako si Eunice, president ng Drama Club. Can you act?" tango tango lang ako with my sparkly eyes like this *_* (kahit hindi ako umaarte). "Can you sing?" tango tango parin (well, I really CAN sing). "Good!" Hinawakan nya yung kamay ko at nilapag sa palad ko ang isang flier. Flier 'to ng club nila. "Then why don't you take this, read the content and get back to us when you're ready to sign up. The sign up sheet is there at the bulletin board" tinuro nya yung blackboard na nasa may lobby ng isang building ng school. Mukhang nandun lahat ng sign up sheets ng bawat club.
"Okay, thanks!"
DRAMA CLUB
Can you act? Can you sign? You might be the one we're looking for! Sign up now and attend our audition on Thursday! See you at the Auditarium! Go Drama!Binasa ko habang naglalakad nang biglang...
(boogshhh)
"Ouch, what do you think you're doing?!" geez, sorry kuya!!! Tatakbo na ba ako?! Hala ka, natapunan sya ng hawak nyang fruit juice! Ayt, tanga tangaers on my first day ah!
"S-sorry po kuya, di ko po kayo nakita, pasensya na po." sabi ko sa kuyang nakabangga ko habang paulet ulet na nagbow habang humihingi ng pasensya.
"Ang clumsy mo naman! Panong di ka mababangga, eh, you're reading while walking!" galit parin sya. Nakakatakot yung mata nya nanlalaki yung mata nya. Pogi pa naman!
"Pasensya na po, kung gusto nyo po lalabhan ko nalang agad para hindi magmantsa." natataranta kong tinatanggal yung butones nya para sana kunin yung polo nya at dalhin sa cr para labhan. Kasi naman, baka magmantsa yung mango juice na iniinom nya sa polo. Eh may T-Shirt naman syang panloob kaya ok lang sana. Ay Jessie, ano ba nangyayari sayo! Sinumpong ka na naman ng pagkamatarantahin at katangahan!
Lalong nagalit si kuya at tinapik nya yung kamay ko. "What are you doing?! Don't touch me! Errr..."
Nagmamadaling lumakad na si kuya papalayo. Gwapo sana kaya lang mukhang mayabang. Kaasar sya, mukha syang magdadala ng BV (bad vibes) sa taong makakasalubong nya.
**Gavin's POV**
"Shet, ang lagkit lagkit! Nakakaasar yung babaeng yun!" pinupunasan ko ng tissue yung chest ko na natapunan ng mango juice ko nung binangga ako ng babaeng clumsy na yun.
"Hey, Gavin! Anong nangyari sayo?" it was my best buds, Caleb. kasalukuyan akong nasa loob ng isang studio type na bahay sa labas lang school. I asked my dad to buy the property so at least in case I have to stay late at school because of some projects that needs to be done, may mauuwian ako na malapit sa school. It's not that big, kasi temporary lang naman ang pagstay ko dito. It's just 120sq/m including the laundry area at the back and the over-decorated garden in front. Actually, I won't be needing that dahil hindi naman ako maglalaba, at hindi rin naman ako palatambay sa garden.
Oh, yeah...here I am with my childhood friends, enjoying our first day of college life inside this room (with sense of sarcasm). Kung hindi dahil sa babaeng clumsy na yun, nasa school ground sana kami ngayon at nag-eexplore!
Lima kaming magkakabarkada. Ako (Gavin Montenegro) sabi nila arogante daw at walang pakialam sa feelings ng iba, si Caleb Sanchez, the NGSB, dahil naniniwala daw sya sa destiny at yun ang inaantay nya, si Red Santillan na manginginom at matinik sa chicks, Dave Young na...na...hmmp...mas matinik sa chicks, and last but not the least, Si Brianna Willis, ahmm...sexy, beautiful, rich, fashionable, kissable lips, huggable sexiness, amf...yeah, you're right, I like her (blush blush). She's been the apple of my eye since we started high school til now. I tried many times to admit my feelings to her, pero lagi nya akong ini-interrupt :(
Well balik tayo sa kasalukuyan..."binangga ako ng babaeng tatanga tangang nagbabasa habang naglalakad, kaya eto," sabay turo sa dibdib kong nanlalagkit sa mango juice, "natapunan tuloy ako ng mango juice ko."
"Hindi kasi ganyan, Gav," tumayo si Brianna sa kinauupuan nya para kumuha ng towel. Binasa nya ng bahagya yung dulong part at piniga saka bumalik sakin para punasan yung dibdib kong malagkit. Tinitingnan ko sya sa mukha habang ginagawa nya yung pagpunas sa dibdib ko. Masyado nya akong inaalagaan...na-sspoiled tuloy ako masyado!
"Ayan ok na! Di kasi mawawala yung lagkit kung pupunasan mo lang ng tuyong tissue yan, noh!" bumalik na sya sa upuan nya habang ako sinusundan lang sya ng tingin.
"Dude, bilisan mo na jan nang makabalik na tayo sa school ground at makapagsign up na sa club kung saan pinakamaraming beautiful girls." ganun kaatat si Dave! At kababaero!
"Oo nga naman!" at nag-agree naman ang isa pang babaero na si Red!
"Ok fine! Mauna na kayo, will meet you there in 15 minutes."
**Jessie's POV**
Hmmp...mga 10-15 minutes na ako sa tapat ng Bulletin Board. I was thinking of signing up sa Drama Club, pero parang di ko kaya. Mukha kasing masayang sumali sa club na 'to. But I'm thinking, if I join the club, I'll volunteer to just be their writer since I know it's the president who directs. Plus the fact that I love writing stories! Tama, I'll sign up!
I was about to jot my pen on the sheet of paper on the board when a group approached and unintently pushed me. I say unintently, kasi nagsorry naman si kuyang nakabangga sakin. In-offer nya sakin yung tulong nya na patayuin ako sa pamamagitan ng pag-abot nya ng kamay nya sakin. Hinawakan ko yung kamay nya then I suddenly felt something electrifying from my hand he's holding running towards my chest. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko. Parang may kabayong nagkakarera sa dibdib ko!!! Rawr...what a strange feeling!! At...at yung ulo nya, parang angel na may Halo! Parang shining and sparkling lining sa ulo nya. Napipicture out nyo ba?
"Miss, sorry! Excited lang kasi kaming mag sign up sa mga clubs. I bet mag-sa-sign up ka rin ano, (bulong) pick the Drama Club, it's more fun there I heard." ang pogi nya!!! Parang ang sarap sumigaw ng I LOVE YOU, PIOLO!!
"A-ah," nganga!
"Caleb, ano na?! Sign up na!! Lagay mo din name ni Gav." sabi sa kanya ng isa sa mga kasama nya.
"Sige, ah..." kumunot ang noo nya na parang inaantay nyang sabihin ko yung pangalan ko sa kanya...
"J-jessie po" Po?! Nyahaha... Po talaga?!
"Caleb Santillan. Signing up on the Drama Club." nakangising sabi nito habang nakasaludo sabay naglakad na sya palapit sa Bulletin Board at sinulat ang pangalan nya. Napansin kong dalawang pangalan ang nilagay nya. Nilapitan ko yung board para i-check yung full name nya. Caleb Sanchez, sya nga 'to. At yung isang pangalan naman, Gavin Montenegro. Eto siguro yung nababalitaan kong bunso ng CEO ng Montenegro Group of Companies. Wow, anak ng CEO sasabak sa pag-arte. Amazing! Mukhang okay magsulat ng istorya na ang gaganap eh etong mga anak ng maimpluwensyang tao sa bansa >.<

BINABASA MO ANG
Until we meet again
Teen FictionThis is the very first story I have completed. Hope y'all like it!