Chapter 11 -->

39 1 0
                                        

**Gavin's POV**

"Hey, anong ginagawa mo dito?" umupo ako sa tabi nya.

"Wala nagpapahangin lang..." nakayuko nyang sabi. "Alam mo bang 1 week nang hindi pumapasok si Caleb? Hindi rin sya tumatawag or nagtetext sakin. Tumawag ako sa landline nila, sabi nung katulong lumipat na daw sa apartment nya. Walang sinasabi si Caleb sakin na lilipat sya."

Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Tahimik lang akong nakatitig sa mukha nya. Tumingin sya sakin.

"Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa amin, Gavin. Para nya akong iniwan sa ere nang walang kamuwang-muwang sa nangyayari sa paligid." nakita kong tumulo yung luha nya. Parang may kumurot sa puso ko. 

Hinila ko sya palapit sakin. Sumandal sya sa balikat ko at nagpatuloy sa pag-iyak.

"Hey, don't cry. Baka naman kasi busy lang. Diba nga umuwi yung parents nya from US? Magpaparamdam din yun." umayos sya ng upo at nagpunas ng luha.

"Sana nga...miss ko na sya eh." para akong nalungkot sa sinabi nya. Bakit parang gusto ko ako yung sinasabihan nya ng ganun? Pakiramdam ko, gusto silang maghiwalay. Masama ba ako?

"Tara, ihahatid na kita sa classroom nyo." nakangiti syang tumingin sakin. Pero halatang fake yung smile nya. Gusto kong i-convert yung fake smile nya into a real smile.

Inakbayan ko sya habang naglalakad kami papunta sa classroom nya. Narinig kong nagbubulungan yung mga estudyanteng nadadaanan namin.

"Grabe! Ngayon naman si Gavin Montenegro?!"

"True! Malandi talaga..."

"Ano bang meron sa kanya at dalawang hot and rich guys ang nakakasama nya?!"

Obvious na naririnig ni Jessie yung bulungan. Kung ako nga dinig ko, eh. Ganito ba yung naririnig nya araw-araw? Bakit hindi sya lumalaban o sumasagot sa mga babaeng yun?

"Hoy! Kayo, anong sinasabi nyo tungkol kay Jessie?!" narinig kong sigaw mula sa likod ko. Umikot ako para tingnan kung sino yun. Si Red pala, pinagduduro nya yung mga babae sa likod namin.

"Siya yun hindi ako!" turo ng matabang babae dun sa kasama nya.

"Ako?!"

"Heh! Magtuturuan pa kayo! Sa susunod na maririnig ko kayong nagsasalita ng masama kay Jessie, puputulin ko dila nyo!" napansin ko nalang na naglakad si Jessie palapit kay Red.

"Red, tama na. Wag mo na silang pansinin."

"Sure ka? Di ka titigilan ng mga 'to hangga't di nasasabihan, eh." humarap si Red kay Jessie.

"Okay lang di naman ako apektado eh." 

Hinatid na namin ni Red si Jessie papunta sa classroom nya. Nakita kong nilapitan sya ng friend nyang bading. Si Joshua yata yun? Whatever, I'm bad with names.

After ng class namin, nag-antay kami ng siguro 30 minutes kay Jessie at Bree. Naunang dumating si Bree...

"Hey! Wala pa ba si Jessie? Nakita ko sya kanina, eh. Kasama si Joshua, her gay friend." sabi ni Bree habang naglalakad palapit sa amin.

"San mo sya nakita?" tanong ko.

"Sa may gym...may kukunin lang daw yata. Palabas na yun." umupo si Bree sa tabi ko. "So, how's Caleb?"

"Busy sya sa pakikipagbahay-bahayan kay Jannah!" si Dave yung sumagot.

"Loko! Bahay-bahayan, mukhang malapit na sa totohanan yun! Hon na nga tawagan eh." binatukan ko si Red. Hindi tama yung sinabi nya. Pero naisip ko hindi rin malabong mangyari. That asshole!

Until we meet againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon