**Jessie's POV**
Mamayang gabi na yung engagement party. Pinagdarasal ko parin na sana hindi matuloy. Nalulungkot ako na sa ganitong paraan pala mawawala sakin yung taong mahal ko at hindi dahil sa sakit nya.
Ang mas masakit pa dun, wala akong magawa kundi maghintay ng good news. Kung may good news pa ba sa sitwasyon na 'to.
Riiiing...Riiiing...Riiing
"Hello?"
"Hey, Jessie. Are you not gonna come with us?" si Bree pala. Kahapon nya pa ako kinukulit. Eh sino namang tanga ang pupunta sa engagement party ng ex-boyfriend mo?! Tama, ex nalang. Nagdecide kaming magbreak kahapon. Hindi naman namin alam kung anong mangyayari ngayon eh.
Nakakalungkot, as in. Kagabi pa ako nagngangawa sa kwarto ko. Pero sabi nga nila, masakit man ang pinagdadaanan mo, life must go on.
"Hindi yata maganda kung pupunta ako sa engagement party ng ex ko, diba?"
"Yeah, you're right. But based on my source, hindi matutuloy yun. Maniwala ka."
"Huh? Sino naman ang source mo na yan?"
"The great Isabel Reece!" diba yun yung soon-to-be-Gavin's-fiance?
"Si Isabel Reece?!"
"Yup! She threw a party last night with her friends, at syempre nandun ako. Early celebration daw yun dahil makakawala na sya sa anino ng tatay nya. Kaya nga you should come!"
Hmmp... parang ayoko parin. Makita ko lang si Gavin na may kasamang ibang babae, naiinis na ako. Hindi ko naman dapat pagselosan si Isabel Reece, alam ko namang mahal ako ni Gavin.
Pero kung ganun ba naman kagandang babae, eh, di malabong mahulog ang loob sa kanya ni Gavin.
"Ano? Sunduin kita?"
"Ha?"
"Anong ha? You should at least do something! Ipaglaban mo naman si Gavin!" tama si Bree. Dapat ipaglaban ko si Gavin. Hindi ako dapat umupo lang dito. Pero pano?! Haisst! Bahala na!
"Sige sasama ako."
Sinundo ako ni Bree. At dahil hindi na naman nya nagustuhan ang suot ko, dumaan pa kami ng mall para makabili ng damit ko. Syempre sagot nya, noh!
Pagdating namin sa function hall, marami nang tao. Iba't-ibang klase ng tao ang nandun. Most of them eh mga business tycoon. May mga mediamen, may mga celebrities din. Nakita ko na si Isabel Reece, pero si Gavin...hindi pa :(
"Hey, Bree! Over here!" sigaw ni Isabel kay Bree. Talagang magkakilala nga sila. Hinatak naman ako ni Bree para dalhin dun kay Isabel.
Pagkatapos nilang bumeso..."By the way, this is Jessie. She's Gavin's girlfriend."
"Really?! So you're the reason why Gavin doesn't want to be engaged with me, huh?" tinaasan nya ako ng kilay. "Kidding. Jessie, I wanted to say sorry to you. It's only my Dad who wants this engagement to happen. Don't worry, I'll make sure to end this and Gavin will come back to you."
"Salamat." akala ko naman magiging kontrabida pa sya sa love story namin ni Gavin, eh.
Bumalik na kami sa table namin ni Bree. Dumating din si Red at Dave, pati si Caleb. Si Jannah, hindi na sumama dahil may baby na, mahirap nang mawalay sa baby nya. Umupo sa tabi ko si Caleb.
"Nasaan si Gavin?" bulong ni Caleb sa akin.
"Hindi pa namin sya nakikita, eh." sa totoo lang, magsisimula na yung party, maya-maya lang, announcement na. Pero di parin namin makita si Gavin. Tiningnan ko si Isabel, masaya syang kakwentuhan yung mga kaibigan nya.

BINABASA MO ANG
Until we meet again
Teen FictionThis is the very first story I have completed. Hope y'all like it!