Chapter 5 -->

65 2 0
                                    

**Jessie's POV**

"Ahhm...Jess, would you like to go out? I actually need to buy something outside, pwede ba akong magpasama sayo?" oo, agad agad, oo! Crush kita eee. Kalma lang Jessie, kalma lang. Para hindi nya mahalatang excited ka.

"Uh, oo ba. Walang problema."

"Good, so let's go?" tumayo sya at sandaling tumalikod para magpaalam sa noo'y nagtatalong sina Red, Gavin at Dave pati na rin kay Bree na natatawang nanonood sa pagtatalo ng tatlo.

"What? Isasama mo si Jessie? She's not your guest, she's mine." napatayo si Bree sa gulat dahil isasama ako ni Caleb. Pumayag ka na bagong BFF! I'll miss half of my life pag hindi ako nakasama kay crush ko :(

"Sige na pasamahin mo na yan, wala naman gagawin yan dito eh" ang mayabang na 'to! Gusto ko rin naman umalis dito dahil ayokong nakikita busangot mong pagmumukha noh! Tsura mo...

"Ah, Bree...okay lang sasama nalang muna ako kay Caleb sa mall. Meron din kasi akong kailangang bilhin." palusot ko. Hope it works...

"Let her go, " talagang pinapaalis ako nitong mokong na 'to. Yabang, kala mo sya may-ari ng bahay na 'to.

After arguments and all, we still ended up going to the mall. Heto kami, palakad-lakad. Minsan pumapasok sa mga boutiques sa loob ng mall, window shopping lang.

"Hey, akala ko ba may bibilhin ka?" takang tanong ko kasi kanina pa kami paikot-ikot wala naman syang binibili.

Napadaan kami sa isang store na may mga nakadisplay na Stitch flush toy. Excited akong pumasok sa store at kumuha ng isa sa mga Stitch na nasa stall.

"Aaaaaii, ang kahinaan ko!! Ahhhh...Stitch!"

"Hahaha, anong kahinaan yung sinasabi mo?" napakamot sya sa ulo sa ginawa ko. Well, crush, hindi ba obvious na gusto ko si Stitch?!

"Si Stitch, sya ang kahinaan ko." Akap akap ko parin si Stitch. "Nung unang pinalabas yung Lilo and Stitch, nagpabili ako sa papa ko ng flush toy, pero wala na sya eh. At saka..." Yeah, it's gone... along with my Papa. They're both gone...

"At saka?" nakita ko syang sumandal sa kanto ng stall kung saan nakapatong yung iba't ibang sizes ng Stitch na flush toy.

"Ahm...halika na! Nagugutom ako, meryenda tayo!" ayokong maalala kung anong mga nangyari noon, it makes me feel guilty and sad.

**you can count on me like 1 2 3, I'll be there. And I know...

"Wait sasagutin ko muna 'to, ah." nakita kong si Mama yung tumatawag, baka may ipapabili... Nakita kong tumango naman si Caleb hudyat na sagutin ko na yung tawag.

"Ma?" nakita ko si Caleb na bumalik sa loob ng store... Ibinaling ko na yung atensyon ko sa mama ko.

"Nak, asan ka? 6PM na wala ka pa sa bahay." naks, may curfew lang, 'Ma? Can a teenager have a life here?!

"Ma, nasa mall po ako. Sinamahan ko po yung kaibigan ko may bibilhin daw sandali." paliwanag ko. Yung mama ko, mahal na mahal ko yan! Although ramdam kong hindi ako okay sa kanya. Magulo ba? Nanay ko tapos hindi ako okay sa kanya?

"Aalis ako walang bantay sa bahay!" sweet ng nanay ko oh.

"Ma, san ka naman pupunta?"

"Pupunta ako sa bahay ng tita Josie mo. May padala daw yung Tito Rodel mo from US. Umuwi ka na agad iiwan ko yung susi kela Manang Flor. Aalis na ako!" naririnig ko sa background na parang nababangga bangga pa si Mama sa dinadaanan nya dahil may mga nalalaglag. I can imagine how the house looks like pag-uwi ko.

"Mag-ingat ka, Ma. I love you!"

*toot toot toot*

Binabaan ako. Sweet!

Until we meet againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon